Halimuyak ni Aya (232)

SI Dr. Paolo del Cruz ang dumating.

“Si Aya nandiyan na ba Sam?”

“Opo. Pasok ka po Doc.”

Nang makapasok ay nahagip agad ng tingin si Aya.

“Sorry Aya, hindi agad ako nakarating. Marami akong pasyente,’’ sabi habang lumalapit kay Aya.

Tumayo si Aya at hu-malik sa ama.

“Alam ko naman, Papa na marami kang trabaho. Okey lang sa akin.’’
“Ano bang nangyari?”

Ikinuwento nang lahat ni Aya ang mga nangyari. Pati na ang nabisto niyang pamboboso sa kanya ni Janno gamit ang CCTV. Pati ang pagpalo niya rito nang akmang susugurin siya. Pati ang pagtakas nila ni Sam kanina. At ang hindi pagsama ni Mama Brenda sa kanila.

“Ayaw sumama ni Ma­ma. Umiyak na ako sa pag­mamakaawa sa kanya na layasan na ang ka-live-in niya… pero ayaw talaga.’’

“Bakit pa ba pinahihirapan mo pa ang sarili sa pagpilit sa kanya e ayaw naman. Maligaya siguro siya roon kaya, hindi mo na dapat pinipilit.’’

“Papa maysakit si Ma­ma. Paano kung may mang­ yari sa kanya roon? Iyon ang dahilan kaya pinipilit   ko siyang umalis na sa bahay na iyon.’’

“E ayaw nga niya. Siya lang ang nakakaalam nang makasasama at makabubuti sa kanya.’’

“Papa natatakot ako sa maaaring mangyari sa kanya. Kung wala siyang sakit e okey lang sa akin pero baba-taas ang BP niya. Baka atakehin siya. Kung may mangyari sa kanya, baka hindi na kami magkausap. At isa pa, sinasaktan siya ng hayop na ka-live-in niya. Kawawa talaga si Mama.’’

Napailing-iling si Doktor.

“Masyado kasing matigas ang loob ng mama mo. Ma-pride. Ang akala, makakaya niya lahat. Dapat iniisip din niya ang kala­ga-yan ng kapwa niya. Dapat matuto na siyang tumanggap ng katwiran…”

“Papa, naaawa ako kay Mama. Huwag mo na siyang sisihin.’’

“Sorry, Anak. Hindi ko lang napigil ang sarili.’’

“Ano ang gagawin ko?’’
Napailing si Doktor.

“Hindi ko alam, Aya. Ang hirap nga kasi ayaw niyang sumama. Kahit gusto nating mailagay siya sa maayos, e tumatanggi naman siya.’’

“Natatakot kasi ako na baka mabalitaan ko na lamang na wala na si Mama.’’

“Siguro, ang maganda ay makipag-communicate ka na lang thru phone o text. Kaso, sabi mo kinum-piska ng ka-live-in niya ang cell phone niya.”

“Opo. Pati po ang aking iPhone, sinira ng hayop na ka-live-in. Siya raw kasi ang bumili niyon.’’

“Hayop pala talaga ano?’’

Napatango si Aya.

“Hayaan mo kahit ilang iPhone e kaya kitang bigyan.’’

Napahikbi si Aya.

“Teka paano mo makokontak ang mama mo?”

“May cell phone po si Manang Azon.”

“Sino si Manang Azon?”

“Maid po namin. Siya po ang tumulong sa amin ni Sam kanina kaya kami nakalabas sa bahay. Kung hindi sa kanya, baka kung ano na ang nangyari sa amin.’’

“Si Manang Azon na lang ang kontakin mo para malaman ang lagay ng mama mo.’’

“Paano kung gusto kong makita si  Mama?’’

“Huwag muna ngayon. Kasi baka makita ka ng hayop na ka-live-in. Delikado. Mag-isip tayo ng paraan kung paano mo makikita ang mama mo…’’

“Salamat Papa.’’

(Itutuloy)

Show comments