PATULOY sa pagtakbo sina Sam at Aya maski nang makalabas na ng bakuran ni Jano.
“Bilis pa Aya! Huwag kang lilingon!â€
Nang makarating sila sa kanto saka lamang sila tumigil. Nagpahinga sila sa sari-sari store. HumiÂhingal ang dalawa.
“Nauhaw ako, Sam. Inom muna tayo.â€
Bumili ng softrinks si Sam.
“Akala ko, mabubuking na tayo ni JannoÂ, Aya. Kung nakita niÂya tayo, tiyak na babarilin tayo. Di ba sabi ni Mama Brenda, may dalang baril.’’
“Pasalamat tayo kay Manang Azon. Kung hindi niya naisip ang paraang iyon, baka tinigbak na tayo ng demonyo. Halata ngang may baril sa tagiliran.’’
“Malaking utang na loob natin kay Manang Azon. Maaasahan siya, Aya.’
Inubos nila ang softdrinks at nagmamaÂdaling umalis. SumaÂkay na sila ng taksi para madaling makarating sa bahay ni Sam sa Dapitan.
Nang makarating, malungkot na naman si Aya. Ang mama niya ang inaalala. Nabigo na naman siyang makumbinsi ito. Napansin ni Sam ang kawalan ng sigla ni Aya.
“Si Mama Brenda ang iniisip mo ano?â€
Tumango si Aya.
“Hayaan mo siya sa kanyang pasya na magpaiwan doon. Ginawa na natin ang lahat. Maraming beses na nating niyaya, siguro hayaan na natin siya roon.’’
“Naguguluhan ako kay Mama. Nag-aalala ako sa kalagayan niya pero hindi naman niya ako inaalala. Kahit puwedeng umalis, ayaw pa rin niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Sam.’’
“Hayaan mo na muna. At saka, naroon naman si Manang Azon. Maparaan si Manang at palagay ko, kaya niyang pangalagaan si Mama Brenda. PaÂhingahin mo muna ang isip mo sa pag-aalala.’’
“Pipilitin ko Sam.’
“Gusto mong kumain? Kahapon ka pa, matamlay kumain.’’
“Sige.â€
“Magpa-deliver na lang tayo. Magpakabusog naman tayo ngayon. Huwag munang isipin ang problema.’’
Ganoon ang ginawa nila. Habang kumakain ay nagkukuwentuhan sila. Medyo nakakangiti na si Aya.
“Sige kain ka pa, Aya. Baka mamayat ka.’’
“Ang dami ko nang nakain Sam.’’
Nang makarinig sila ng mga katok sa pinto.
“Sino kaya yun?â€
Nakatingin lang si Aya.
Tiningnan ni Sam kung sino ang kuÂmatok.
(Itutuloy)