“MAMA Brenda, gusto ko sana sumama ka sa amin, kasi naaawa na ako kay Aya. Ikaw ang lagi niyang inaÂalala,’’ sabi ni Sam nang makalapit sa kama ni Brenda.
“Dito na lang muna ako, Sam. At isa pa nga, mahina ang katawan ko.’’
“Kailan ka aalis dito?â€
“Hindi ko masabi, Sam. Basta, si Aya na lang ang ipakikiusap ko na huwag mong pababayaan. Alam ko, safe siya kapag ikaw ang kasama.’’
“Gusto po sana ni Aya na doon ka tumira kina Lolo at Lola sa probinsiya. Tahimik at sariwa ang hangin.’’
“Oo gusto ko nga roon pero hindi muna ngayon. Sabihin mo kay Nanay Cion at Tatay Ado na kinukumusta ko sila. Dadalawin ko sila roon.’’
“Akala ko po, sasama ka na sa amin ni Aya ngayon.’’
“Okey naman ako rito. Siyanga pala, Sam, kunin mo nga sa cabinet na iyon ang clutchbag na itim,†sabi ni Mama Brenda habang itinuturo ang cabinet.
“Yun pong cabinet sa may tabi ng TV?â€
“Oo.â€
Tinungo ni Sam ang cabinet. Binuksan. Kinuha ang clutch bag na itim. Mabigat. Dinala kay Mama Brenda.
“Ikaw na ang magtago nito. May lamang pera ‘yan. Diyan kayo kumuha ng gagastusin ni Aya. Ikaw ang magbibigay kay Aya.’’
Hindi makapaniwala si Sam. Ganun kalaki ang pagtitiwala sa kanya ni Mama Brenda.
“Bahala ka na diyan, Sam.â€
“Opo.â€
Nag-uusap pa sila nang biglang dumating si Manang Azon. Takot.
“Si Janno dumarating!â€
(Itutuloy)