“BAKA kung saan ka nanggaling,’’ sabi ni Mama Brenda.
Napatingin si Aya sa kanyang mama. Naghihinala na kaya ito na nagkikita sila ng kanyang papa?
‘‘’Ma, sa bagong tirahan ni Sam ako galing. Nagpaturo nga ako tapos dun na ako kumain. Ang sarap palang magluto ng lalaking iyon. Ipinagyabang sa akin...’’
‘‘Kasi nagdududa ako...’’
‘‘Anong duda mo ?’’
‘‘Hindi si Sam ang kasama mo kundi yung si TJ. Yung dumalaw sa akin sa ospital. Kasi halata kong malaki ang pagkakagusto sa’yo. Nanliligaw sa’yo yun ano?’’
Nagtawa si Aya. Mabuti at ang akala pala ng mama niya ay si TJ ang kasama. Hindi alam, ang kasama niya ay si Dr. Del Cruz na kanyang ama.
“Hindi nanliligaw si TJ ‘Ma. Puro parinig lang. Mahiyain kasi. Pero halata ko nga na may gusto. Kaya lang…’’
“Kaya lang ay ano?’’
“Parang di ko gusto. Basta kaibigan ko lang siya…’’
Napatingin nang makahulugan si Brenda kay Aya. Nawala ang pagdududa.
“Siyanga pala, ‘Ma, narito ba ang kinamu-muhian kong demon este tao?’’
Napatitig si Brenda kay Aya. May babala sa boses.
‘‘Narito! ‘Yang boses mo, baka ka marinig!’’
Pero tumalikod na si Aya at nagtungo sa bedroom niya. Narito pala ang demonyo. Kailangan pala maging maingat siya.
Isang umaga, naliligo siya. Sinasabon niya ang katawan nang may maramdaman siÂyang kaluskos. NaÂÂ kiramdam siya. Nawala ang kaluskos. Pero pakiramdam ni Aya may mga matang nakaÂsilip at takam na takam sa katawan niya.
(Itutuloy)