Halimuyak ni Aya (191)

LUMABAS ang isang matandang babae. Tinanong si Sam kung ano ang kailangan.

“Bed spacer po, Mam.”

Tiningnan si Sam ng matanda. Mukhang mabait naman ang matanda.

“Estudyante?” ta­nong nito. Tila hindi kum­binsido kahit na naka-uniporme siya. Sabagay maraming manloloko ngayon na kunwari ay bed spacer pero magnanakaw pala. Lilima- sin ang mga gamit sa loob boarding house.

“Opo.”

Tiningnan uli siya. Pagkatapos ay ipinaliwanag ang mga rules, kondisyones at pati ang pagbabayad sa upa.

“Sang-ayon po ako Mam. Susunod po ako sa mga rules.’’

“Mabuti naman. Ha­lika, pasok.” Ibinukas ang gate. Pumasok si Sam. Makaraang pumasok ay isinara uli ng babae.

“Halika sa loob.”

Sumunod si Sam. Habang naglalakad ay dinukot ng babae sa bulsa ang susi. Binuksan nito ang isang pinto. Binuksan ang ilaw. Pumasok sila.

“Apat kayo rito. Dun ka bed sa may bintana. Kababakante lang niyan. Graduate na kasi ang dating naka-okupa diyan. Yung mga kasama mong bedspacer ay nasa school pa. Mamaya pang hapon ang dating.’’

Napatango lang si Sam.

“Ano ngang name mo?”

“Sam po. E ikaw po Mam?’’

“Ako naman si Sol,” sabing nakangiti. “So okey na sa’yo ito?’’

“Opo. Okey na po Mam Sol.’’

“Yung banyo at kubeta ay nasa labas lang. Nasa gawing kaliwa.’’

“Opo. Maraming sa-lamat.’’

Nagkaayos na sila. Nagbayad si Sam ayon sa napag-usapan. Wala naman siyang problema sa pera sapagkat lagi siyang may cash na dala. Marami rin siyang pera sa ATM. Dun pinadadala ng kanyang lolo at lola ang perang allowance niya. Bukod dun, binibigyan din siya ni Mam Brenda.

Nang nag-iisa na sa kuwarto ay sinubukang humiga ni Sam. Pagod na pagod siya. Nakatulog siya dahil sa matinding pagod at puyat.

Nagising siya nang marinig ang ring ng kanyang cell phone. Maaaring si Aya ang tumatawag.

Pero hindi si Aya kundi si Julia ang tu-ma­tawag.

(Itutuloy)

Show comments