Halimuyak ni Aya (190)
LUMABAS sa bus terminal si Sam. Maliwanag na pala. Nang tingnan niya ang relo, 5:30 na ng umaga. Marami nang naglalakad sa kalye. Sumakay siya ng jeepney na biyaheng Quiapo.
Saka na lamang siya uuwi sa kanyang mga lolo at lola kapag maayos na ang kanyang tirahan dito. Maghahanap muna siya ng matitirahan. Kahit bed spacer. Basta ang mahalaga ay mayroon siyang mauuwian pagkagaling sa school. Yung tirahan na malapit lang sa unibersidad ang kukunin niya. Basta hindi na siya babalik sa bahay ni Janno. Siguro naman ay magkikita pa sila ni Aya. Kapag may tirahan na siya, saka niya pupuntahan si Aya at kukumustahin sa nangyari. Tiyak na sinaktan na naman ng hayop na si Janno si Mama Brenda at baka pati si Aya ay sinaktan din. Kawawa naman ang mag-ina. Dapat iwan na ni Mama Brenda ang sira-ulong si Janno. Baka paghindi niya iniwan ay kung ano ang gawin sa kanilang mag-ina. Baka nga nagdodroga ang hayop. Kung ano ang maisipan ay ginagawa gaya nang ginawang pambi-bintang sa kanya.
Naisip din naman ni Sam, hindi kaya paraan lang yun ni Janno para mapaalis siya sa bahay. Gumawa ng isyu kuno para siya mapaalis. Kapag wala na nga naman siya, wala nang problema anuman ang gawin kay Aya.
Sa naisip na iyon, biglang natigilan si Sam. Posible ang naisip niya. Ngayong wala na siya sa bahay ni Janno, malaya na nitong magagawa ang anuman. Baka isakatuparan ang matagal nang pagnanasa kay Aya.
Nasa ganoong pag-iisip si Sam nang marinig ang sinabi ng drayber ng jeepney: “Quiapo na! Quiapo na! Yung hindi pa bayad diyan!â€
Hindi pa nga pala siya bayad. Siya yata ang pinari-ringgan ng drayber. Nagbayad siya at saka bumaba.
Sumakay muli ng jeepney patungong España. Pagdating sa may Forbes St. bumaÂba. Naglakad. Doon siya magha-hanap ng matitirahan. Ang alam niya doon nagbi-bed space ang ilang classmate niya.
Pero malayo na ang narating sa Forbes ay walang nagpapa-bed space. Humapdi ang kanyang tiyan sa gutom. Mula sa Forbes ay tumawid siya at hanggang sa marating ang Extremadura St. Lakad uli. Nakakita siya ng karinderya. Tinungo niya.
“Isang kanin po at itong menudo. Pahingi rin po ng sabaw, Manang,’’ sabi niya sa babae na siguro’y mga 60-anyos. Mukhang mabait. Naupo siya. May isang lala-king kumakain.
Maya-maya ito na ang order niya. Umuusok ang sabaw. Kumutsara siya ng sabaw. Masarap naman. Mainit ang hagod sa kanyang sikmura.
Tamang-tama ang menudo sa mainit na kanin. Tala-gang gutom siya.
“Manang, isang kanin pa nga.’’
Binigyan siya.
Natapos siyang kumain. Busog na busog.
Nagbayad siya. Saka naisip tanungin ang babae kug may alam na nagpapa-bed space.
“Ayun o. Yung bahay na yun na kulay green ang gate nagpapa-bed space.’’
Natuwa si Sam.
“Salamat, Manang.â€
Tinungo niya ang bahay. Nagpapa-bed space nga.
(Itutuloy)
- Latest