“ANO bang sabi sa’yo ng mga classmate natin, Julia?†tanong ni Sam nang hindi pa rin dumarating ang mga classmate nila. Nasa labas pa sila ng kuwartong kinaroroonan ng nakaburol na guro.
“Sabi ng ka-text ko, on the way na sila.’’
‘‘Ilan ba silang pupunta rito?’’
“Ano… teka mga lima yata sila.’’
“Lima? Akala ko buong klase natin noong high school.’’
“Hindi ‘no! Hindi lahat nang kaklase natin ay nag-aaral dito sa Maynila.’’
Hindi na nagsalita si Sam. Akala niya marami, lima lang pala.
‘‘Halika, pasok na tayo para makita natin si Mam Arcadio. Darating na siguro ang mga classmate natin.’’
Pumasok sila. Nauna si Julia.
Kakaunti lang ang tao sa loob. Araw kasi kaya kakaunti ang dumadalaw. Kadalasang sa gabi dumadagsa ang mga nakikiramay.
Nakita nila ang isang lalaki na nakaupo sa mahabang bangko na malapit sa kinala-lagyan ng kabaong. Asawa ni Mam Arcadio.
Nilapitan nila ang lalaki. Hindi nila alam ang pangalan nito. Sa katunayan ay noon lang nila nakita. Seaman daw ito.
“Condolence po Sir. Estudyante po kami ni Mam,’’ sabi ni Julia at kinamayan ang asawa ni Mam Arcadio. Mga mahigit nang 50-anyos siguro ito. Bakas sa mukha ang matinding kalungkutan.
‘‘Salamat sa inyo. Maraming salamat,’’ sabi na tila maiiyak.
Niyaya sila nito sa kabaong ni Mam Arcadio. Kulay kape ang kabaong. Nakita nila si Mam Arcadio.
‘‘Parang natutulog lang si Mam n’yo,’’ sabi ng lalaki.
‘‘Opo. Maganda pa rin po si Mam. Para pong natutulog lang talaga. E ano po ba Sir ang ikinamatay ni Mam ?’’
‘‘Breast cancer.’’
“A, yun po pala.’’
“Stage 4 na ang cancer. Siguro hanggang diyan na lang talaga ang buhay niya. Sabagay tanggap ko na.’’
Hindi na nagsalita pa si Julia. Si Sam ay tahimik lang.
Matapos iyon ay nagbalik na sa kanyang kinauupuan ang lalaki samantalang sina Sam at Julia ay naupo sa dakong hulihan.
May nag-abot sa kanila ng biskuwit at drinks sa tetra pak.
“Bakit wala pang mga classmate natin?†tanong ni Sam.
“Iti-text ko na nga uli.’’
Tinext ni Julia.
Maya-maya may sumagot.
Binasa ni Julia.
“Hindi na raw sila makakarating, Sam.’’
Nagtaka si Sam.
“Bakit daw?’’
“Hindi sinabi.’’
Napailing-iling si Sam.
‘‘Mamaya-maya magpaalam na tayo,†sabi niya. “Baka abutin tayo ng gabi rito e mahirap sumakay.’’
“Huwag naman agad-agad at nakakahiya kay Sir.’’
Nang mag-alas sais, nagpaalam na sila.
Madilim na. Nahirapan silang sumakay dahil labasan ng empleado. Trapik pa.
Alas siyete sila nakarating sa España St. Bumaba sila.
“Ihatid mo naman ako sa amin, Sam. Kakatakot magÂlakad.’’
“Saan ka ba nakatira?’’
“Sa may Sulucan. Sa kaÂpatid ko.’’
Maginoo si Sam. Inihatid niya. Nilakad lang nila mula España.
Isang apartment ang ti-rahan ni Julia. Walang tao nang dumating sila.
‘‘Nasan ang mga kasa-ma mo?’’
“Umalis.’’ (Itutuloy)