^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (173)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HOY Sam, mabuti at nakita kita. Dito ka lang pala sa Morayta nagtatambay. Ano nabalitaan mo na bang nangyari kay Mam Arcadio, yung teacher natin sa History noong high school?’’ Sabi ni Julia na hindi man lang tumi-tingin kay Aya.

“Anong nangyari kay Mam Arcadio?’’

“Patay na. Breast cancer. Dito nakaburol sa Maynila. Ikaw talaga, wala ka man lang balita. Di ba ang bait ni Mam Arcadio,’’ sagot nito na hindi pa rin tumitingin kay Aya. Parang walang kasama si Sam. Si Aya naman ay nakatingin lang sa dalawa.

“Ba’t wala akong nabali­taan nang umuwi ako sa probnisiya natin.”

“Umuwi ka ba? Kailan?’’

“Last week lang. Nagkasakit si Lola. Inalagaan ko muna. Absent ako isang linggo.’’ 

‘‘Sayang!’’

‘‘Anong sayang?’’

‘‘A e wala,’’ sabi at su­mulyap kay Aya pero pairap. “E wala ka ngang mababalitaan sa probinsiya natin ukol kay Mam Arcadio dahil dito na sila sa Manila naninirahan. Kasi ang asawa niya ay seaman at ang anak naman nila ay dito na nag-aaral.’’

“Ganun ba?’’

“Nasa Funeraria sa Ara-neta nakaburol si Mam Arcadio. Punta tayo, Sam. Iti-text ko rin mga classmate natin. Kawawa naman si Mam Arcadio. Di ba ang bait niya. Isa siya sa pinaka-mabait na teacher natin. Ang pinaka-masungit ay yung teacher natin sa Science, di pa yun ang natigok! Sa hirap ng Science natin, nagpapaturo ako sa’yo di ba?’’

Napatango si Sam.

‘‘Ano Sam punta tayo, ha?’’ sabi at sumulyap uli kay  Aya. Pairap. Wala namang re­aksiyon si Aya.

‘‘Teka, baka hindi ako puwede. Kasi may gagawin akong report sa isang subject ko.’’

“Sige na. Last respect natin kay Mam Arcadio. Tiyak lahat nang classmate natin na naritong nag-aaral sa Maynila ay pupunta sa burol. Etong number ko, i-text mo ako…” Dinikta ni Julia ang number. Walang nagawa si Sam kundi i-save ang number ni Julia sa CP niya.

“Bukas na raw ang last na lamay dahil sa Linggo ay ilili-bing na.’’

“Teka at titingnan ko muna ang sked ko bukas.’’

“Sandali lang tayo roon.’’

Napatingin si Sam kay Aya. Walang reaksiyon si Aya.

“Ano Sam? Ikaw talaga ang dami mong alibi. May kinatatakutan ka yata, he-he, joke lang!”

“Sige iti-text kita kung okey ako bukas.”

“Basta punta tayo. Sandali lang naman. Lumabas ka naman sa hawla, Sam, he-he-he joke!’’

Walang reaksiyon si Aya. Alam niya na pinariringgan siya ni Julia.

“Babay Sam!”

Umalis na si Julia.

(Itutuloy)

ANO SAM

AYA

JULIA

KAY

LANG

MAM ARCADIO

NATIN

SAM

WALANG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with