KINABUKASAN, maagang bumangon si Aya. Naligo, kumain at nagbihis. Naghanda na siya sa pagpasok. Pero ang totoo, pupunta uli siya sa ospital para abangan ang amang doctor.
Napansin siya ni Ma-ma Brenda. “Di ba panghapon ang schedule mo ngayon, Aya?’’
May nakahanda nang sagot si Aya sa ina.
“Opo. Pero magre-research pa ako sa library, Mama.’’
“Ba’t naman ang aga?â€
“Marami po kasi akong ire-research.â€
“Sana kung narito si Sam ay matutulungan ka niya. Pero sa isang araw pa yata ang uwi niya. Nag-text sa akin kagabi, aalagaan pa raw niya si Nanay Cion.’’
“Nag-text din sa akin si Sam. Gusto nga raw niyang umuwi ngayong araw na ito pero naaawa naman siya kay Lola.’’
“Wala ka tuloy katulong sa pag-research at wala ka ring kasabay sa pagpasok.’’
“Di bale ‘Ma, ilang araw lang naman.’’
“Anong oras ka uuwi mamaya?â€
“Baka gabi na.’’
“Mag-ingat ka sa pag-uwi. Maraming holdaper at snatcher.’’
“Opo ‘Ma.’’
“Kung hindi sana naisangla yung sasakyan natin, susunduin kita sa school…’’
“Huwag n’yo nang pangÂhinayangan ang nawala, ‘Ma. Wala ka namang maÂgagawa kung sakali.’’
“Nasasabi ko lang.’’
“Kaya hindi ako magtataka kung isang araw ay wala na tayong matirahan dahil naisangla na rin…â€
Hindi na nagsalita si Mama Brenda. Kung saan-saan lang mapupunta ang usapan.
“Aalis na ako, ‘Ma. Yung gaÂmot mo sa HB baka ma- limutang inumin. Baka mamaya, mahilo ka na naman at kung anong mangyari. Wala ka pa namang kasama rito…’’
“Nainom ko na, kanina pa.’’
“Sige, bye ‘Ma.â€
Humalik si Aya sa pis-ngi ng ina.
Habang naglalakad patungo sa sakayan ng dyipÂni ay nakokonsensiya na naman si Aya. Susuwayin na naman niya ang utos ng ina ukol sa kanyang ama. Gusto man niyang sundin ang ina, mas nananaig ang kagustuhan na makita ang kanyang ama. Kahit nga makita lang niya ito ay masisiyahan na siya. Patawad Mama!
Pasado alas-nuwebe siya dumating sa ospital. Kahit alam niyang alas diyes pa ang dating ni Dr. Paolo del Cruz, mas maÂganda nang narito na siya at nag-aabang.
Sa dating upuan sa lob by siya naupo. Nang mag-9:30 isang doctor ang nakita niyang paparating. Parang tinambol ang dibdib niya. Habang papalapit ay lalong lumakas ang tambol.
Ito na nga ang ama niya! Sigurado siya!
(Itutuloy)