“DI ba ayaw ni Mama Brenda na lumapit ka sa Papa mo?†Tanong ni Sam. Nagtataka si Sam kung bakit biglang naisip ni Aya ang ama nito. Akala niya, hindi na interesado si Aya sa ama. Ngayon ay tila seryosong-seryoso at may pagkasabik si Aya sa ama.
“Gusto kong maÂkita kung ano talaga ang itsura ng Papa ko sa personal,†sabi pa ni Aya na nangingislap ang mga mata.
“Ibig mong sabihin, nakita mo na ang picture ng Papa mo?â€
“Huwag mong saÂsabihin kay Mama ha? Ipangako mo Sam.’’
Tumango si Sam. “Nakita mo?â€
“Oo. Sa Facebook.â€
“Paano mo nalaman na yun nga ang Papa mo?â€
“Basta. Malakas ang kutob ko. Unang pagkaÂkita ko sa photo niya, tiyak ko na agad na siya ang Papa ko.’’
Natigilan si Sam. Kapag nalaman ni Mama Brenda na may nalalaman na si Aya sa ina nito, baka kagalitan si Aya.
“Ipangako mo, Sam na hindi malalaman ni Mama. Gusto ko lang naman na makita ang Papa ko. Kahit hindi niya ako kilalanin, basta makita ko lang siya.’’
Naiintindihan agad ni Sam ang damdamin ni Aya. Nasasabik sa ama.
“Nung makita ko ang picture niya, parang gusto ko siyang halikan…’’
“Anong itsura ba?â€
‘‘Guwapo.â€
“Anong propesyon niya?â€
“Doktor siya.’’
“Paano mo naÂlaman?â€
“Siyempre nag-imbestiga ako. Kumpirmado na sa isang malaking ospital siya nagki-clinic.â€
Humanga si Sam sa bilis ni Aya. Nakapag-researched na pala agad.
“Bakit nga ba bigÂlang-bigla e naÂalala mo ang iyong Papa?â€
BumuntunghiÂninga muna si Aya bago sumagot.
“Kasi natutuliro na ako sa problema ni Mama sa asawa niya. Hindi ko na alam kung ano ang mga susunod. E, bigla kong naalala na ano kaya’t mag-researched ako sa Papa ko. Parang may pagbalingan lang ako ng oras at siguro, makakatulong din kahit paano.â€
“Ganun lang.’’
“Oo. Basta makita ko lang siya.’’
“E paano mo mahahalikan?â€
“Bahala na.’’
“Basta gusto mo lang makita ang itsura tama na?â€
“Yup!â€
Tumango si Sam. Hanga siya kay Aya.
“Minsan, punta tayo sa ospital na kiÂnaroroonan niya. Puwede mo akong samahan, Sam?â€
“Oo naman. Basta makaliligaya sa’yo.â€
“Salamat, Sam.â€
Isang araw, nagtungo sila sa ospital. Malaki ang ospital.
“Nariyan daw ang Papa ko.’’
(Itutuloy)