NANG magdaan sila sa tapat ni Tito Janno ay nag-good evening si Sam. Si Aya ay parang walang nakita. Walang sagot si Tito Janno. Nakatingin lang sa kanila. Lumampas sila. Si Aya ay nagtuloy sa kanyang kuwarto at si Sam ay deretso rin sa kuwarto niya. Hindi na sila nag-usap ni Aya.
Makaraang makapagpalit ng damit pambahay ay lumabas muli ng kanÂyang kuwarto si Sam. Kailangan niyang makaÂusap si Mama Brenda. Ipaaalam na narito na sila ni Aya. Ayaw niyang nag-aalala ito.
Nang lumabas siya naroon pa rin si Tito Janno. May hawak pa ring bote ng beer. Parang sa itsura ay may “tama†na.
Nginitian lang niya pero hindi naman gumanti ng ngiti. Wala lang. Lumampas siya. Pero nakaka-ilang hakbang lang ay narinig niya ang pagtawag nito.
“Sam, ‘lika nga!â€
Tumigil si Sam. LumiÂngon.
‘‘Po!’’
‘‘’Lika!’’
Lumapit siya. Kinakabahan si Sam. Unang pagkakataon na kinausap siya ni Tito Janno nang silang dalawa lang. Bakit kaya?
‘‘Ano po yun, Tito?’’
‘‘Saan kayo galing ni Aya?’’ Ang tinig ay parang sa pulis nag-iimbestiga.
Lalo namang lumakas naman ang kaba ni Sam.
‘‘Nagpasama po si Aya.’’
‘‘Saan?’’
Sinabi niya ang totoo.
“Sa panonood po ng sine. Requirement po sa isang subject nila. Gagawan ng review.’’
Parang bumalasik ang mukha ni Tito Janno nang marinig na nanood sila ng sine.
‘‘Kayong dalawa nanood ng sine?’’
Tumango si Sam.
“Alam ba ito ni Brenda?’’
‘‘Opo. Sinabi po ni Aya kay Mama Brenda.’’
‘‘Anong ginawa n’yo sa loob?’’
‘‘Nanood po.’’
“Talagang nanood lang?’’
Bakit ganoon ang tanong ni Tito Janno. Nagdududa na mayroon pa silang ibang ginawa.
“Opo.’’
Sinipat na mabuti ni Janno si Sam. Para bang tinitiyak kung nagsasabi nang totoo.
‘‘Masyadong mga ma-iinit ang mga kabataan ngayon, alam mo yun, Sam? Baka wala kaming kamalay-malay e mayroon nang nangyayari, he-he-he!’’
Hindi maunawaan ni Sam ang ibig sabihin ni Tito Janno.
‘‘Talagang walang nangÂyari ha? Sige, yun lang,’’ sabi ni Tito Janno at tumalikod ito saka tumungga ng beer. (Itutuloy)