MALIIT talaga ang mundo! Lagi na lang silang nagkikita ni Julia at kung kailan pa naghihintay sa kanya si Aya.
“Sam! Kumusta? Sabi ko na nga ba at mag kikita uli tayo,’’ sabi ni Julia na mabilis na nakalapit sa kanya. Naka-uniporme si Julia – white ang pang-itaas at itim ang palda.
Pinilit na pakiharapan ni Sam si Julia. Nag-aalala siya na baka maÂging matagal ang pag-uusap nila ni Julia ay maghintay si Aya sa McDo. Pero paano niya iiwan si Julia.
Sumabay si Julia sa paglalakad. Patungo sa direksiyon ng Morayta at Recto.
“Katatapos lang ng klase mo, Sam?â€
“Oo.’’
“Ako rin. Tamang-tama pala ang labas ko at nati-yempuhan kita. Dito lagi ako dumadaan. Bakit ngayon lang kita nati-yempuhan?â€
“A e hindi palaging ganito ang labas ko. NagÂla-library kasi ako.’’
“Nasa college of science ka ano?â€
“Ba’t mo alam?â€
“Nakita ko si Lolo Ado noong umuwi ako sa probinsiya. Tinanong kita. Sa College of Science ka raw. Talagang magdodoktor ka.’’
“Ah, oo nasa Sciece nga ako. E ikaw ano bang course mo?â€
“Business Ad. Ito lang ang kaya ng utak ko e. Hindi katulad mo, matalino.’’
Tumango lang si Sam. Pilit na ngumiti. Hindi niya alam kung paano magpapaalam kay Julia. Kailangan siyang magmadali dahil tiyak na naghihintay si Aya sa McDo.
“Okey bang pag-aaral mo Sam?â€
“Okey naman. Ikaw?â€
“Okey din naman. Ang hindi okey ay ang tirahan ko. Binabaha. Ikaw okey ba ang tira-han mo.’’
“Oo.â€
“Dun ka na nakatira sa babaing kasabay mo sa bus nun. Sino nga yun?â€
“Si Aya. Oo dun ako nakatira sa kanila.’’
Napaismid si Julia.
Hindi naman mapa-kali si Sam. Naghihintay na si Aya sa McDo. Hindi niya malaman ang gagawing pagpapaalam kay Julia.
“Bakit parang bina-balisawsaw ka, Sam. Parang hindi ka mapakaÂli. Parang ayaw mo akong kasabay. Gusto mo ba akong iwasan?â€
(Itutuloy)