“KUNG anu-ano ang na-iisip mo, Ado. Ang bata pa ng apo mo e gusto mo na yatang makipagÂrelasyon agad,’’ sabi ni Nanay Cion na nakairap sa asawa.
“Sinasabi ko lamang ang napapansin ko. Noong huling mangga-ling dito si Aya at inaÂbutan itong sina Sam at Julia, napansin kong tumampo siya. Hindi kasi inaasahan na daratnan niya si Sam na may katabing babae.’’
“Wala naman akong napansin kay Aya.’’
“Mahina ang pakiramdam mo. Ako, nahalata ko agad na nagse-los si Aya.’’
‘‘Ang napansin ko lang e mayroon silang pinagtatalunan pero hindi naman galit si Aya.’’
‘‘Yun na ‘yon. Baka itiÂnatanong ni Aya kung lagi rito ‘yang si Julia. E di siguro sinabi naman ni Sam na laging nagpupunta rito. Tiyak yun ang pinagtatalunan nila. Talasan mo kasi ang pakiramdam. Tingnan mo ako, halata ko agad. At itong si Julia, malakas ang kutob ko na patay na patay kay Sam. Katulad mo, patay na patay ka rin sa akin nun.’’
“Ang yabang naman nitong matandang ito.’’
Nagtawa si Tatay Ado.
“Pero kung magka-kagusto rin lang si Sam, gusto ko si Aya na. TaÂlagang wala akong maipipintas sa batang iyon. Bukod sa maganda na ay maganda pa ang ugali. Tingnan mo at kapag nagpupunta rito ay laging nagmamano at magalang na magalang. Bihira na sa mga kabataan ang may ganoong ugali. At hanga rin ako dahil nagpilit pumunta rito para makita tayo at si Sam. Ang layo ng Maynila pero nagbiyaheng mag-isa. Kaya nga dapat mahalin siya ni Sam. Kaysa kung sino lang ang mahalin ni Sam diyan, si Aya na lang...’’
Hindi na nagsalita si Nanay Cion.
LAGING nag-uusap sa phone sina Sam at Aya. Mahaba ang pag-uusap ng dalawa. Kung anu-ano ang pinag-uusapan. May pagkakata- ong humahalakhak si Aya dahil sa ikinukuwen- to ni Sam. Kayang-kaya ni Sam na patawanin si Aya. Lumalabas ang pagka-komikero ni Sam kapag kausap si Aya.
Pero minsang nag-uusap sila, umiyak si Aya. Hindi maikakaila ang pag-hikbi at pagsinghot.
“Bakit ka umiiyak, Aya?’’
Hindi sumagot. HiniÂnga lang ni Aya ang naÂrinig niya.
“Bakit Aya?’’
“Dahil kay Mama. Naaawa ako kay MaÂma.’’ (Itutuloy)