Halimuyak ni Aya (105)
“O bakit aalis ka na Julia?†Tanong ni Sam. “Hindi pa tayo tapos sa pag-aaral ng lesson ah.’’
“Istorbo na ako eh. Sige, aalis na ako.’’
Hindi na nakapagsa-lita si Sam. Si Aya ay na katingin lang kay Julia.
Humakbang na si Julia patungo sa pinto. Dala nito ang libro at notebook. Hindi na sinundan ni Sam si Julia para ihatid sa pintuan.
“Bakit biglang umalis ang bisita mo?â€
“Ewan ko. Istorbo na raw siya.’’
“Baka naman naasar sa akin dahil bigla akong dumating.â€
“Baka nga.â€
“Lagi bang narito yun?â€
“Ikalawang beses. Nagpapaturo sa akin sa Science. Hindi raw niya maintindihan ang teacher namin.’’
‘‘Taga-saan ba yun?â€
“Sa kabilang barangay nakatira.’’
“Malayo rito?â€
“Medyo.’’
“Anong sabi ni Lolo at Lola kapag narito si Julia?â€
“Wala.’’
“Okey lang sa kanila?â€
“Nagpapaturo lang naman si Julia.’’
Hindi na nagtanong si Aya.
“Bakit tinatanong mo kung okey kina Lolo at Lola?†tanong ni Sam.
“Wala lang.’’
“Galit ka?â€
“Ba’t ako magagalit?â€
“Kasi seryoso ka. Galit ka e.â€
“Hindi.’’
“Kasi tanong ka nang tanong ukol kay Julia.’’
“Masama ba?â€
Umiling si Sam.
Naramdaman nila ang pagdating ni Lola. Tumayo si Aya at nilapitan ang matanda. Humalik.
Nakatingin lang si Sam. Galit yata si Aya sa kanya.
(Itutuloy)
- Latest