Halimuyak ni Aya (101)

HABANG nasa library, walang sawang pinagmamasdan ni Julia si Sam. Tila hindi naman talaga magre-research si Julia kundi para lang makita nang malapitan si Sam. Kinikilig si Julia sa kaguwapuhan ni Sam. Si Sam naman ay may binabasa at tila hindi pansin si Julia.

“Nakita mo ba Sam?” tanong ni Julia.

“Oo. Eto o. Madali lang hanapin.’’

“Alin diyan, Sam?” Idinikit ni Julia ang ulo at mukha kay Sam. Si Sam naman ang bahagyang umisod. Baka sila makita ng matandang dalagang libraria ay mapagalitan sila. Baka akalain ay nag­lalandian sila.

“Eto ba, Sam. Itong nasa page 13?”

“Oo. Ipa-xerox mo na lang tapos sa bahay mo na lang pag-aralan. Mga three pages lang naman ‘yan.’’

“Salamat Sam. Napa-kabait mo talaga. Guwapo na ay mabait pa at matalino pa.’’

“Ssst, marinig ka ng librarian.’’

“Mahina naman ang boses ko.’’

“Malakas, Julia. Baka mapagalitan tayo.’’

Hindi nagsalita si Julia. Dinampot ang libro at minarkahan ang pages na isi-xerox.

“Ipa-xerox ko lang ito, Sam.’’

“Ako na, Julia,” sabi at binitbit ang libro at tinu-ngo ang nagsi-xerox. Bigla siyang tinawag ni Julia. “Sam, etong perang pambayad!” Pero hindi bumalik si Sam. Nang magbalik ay dala na ang ipina-xerox.

“Etong pera Sam.”

“Huwag na. One fifty lang naman.’’

“Salamat Mr. Pogi.”

Ngumiti si Sam. Pinagmasdan uli ni Julia. Ha-ngang-hanga talaga siya kay Sam.

“Tayo na Julia!”

Lumabas sila ng library.

 

ISANG umaga ng Linggo. Nagbabasa si Sam ng libro nang may mag-“tao po!”. Si Sam lang ang nasa bahay. Si Nanay Cion at Tatay Ado ay nasa bukid at nagpapaani ng palay.

“Tao po!”

Lumapit si Sam sa pin­­ to. Tiningnan kung sino ang nag-“tao po!”  Si Julia!

“Sam!”

“Julia!”

“Puwedeng pumasok?”

“Halika!”

Pinapasok ni Sam si Julia. Bakit kaya narito si Julia? Baka magpapaturo na naman sa kanya. May exam sila sa susunod na linggo.

“Nasaan ang lola at lola mo, Sam?” Tanong ni Julia nang nasa loob na. Alam ni Julia na ang nagpalaki kay Sam ay ang lolo at lola niya.

“Nasa bukid sila nagpapaani ng palay at nagpapapitas ng mangga.’’

“Akala ko kanina wa­lang tao. Tahimik na tahimik.’’

“Nag-aaral ako ng lesson natin. May exam tayo di ba?”

“Oo. Kaya nga ako nagpunta rito e may itatanong ako.”

“Mabuti nalaman mo itong amin.”

Nagtawa si Julia.

“Ba’t ka nagtawa?” tanong ni Sam.

“Kasi sinundan na kita nung isang araw. Kaya alam ko na itong sa inyo.”

(Itutuloy)

Show comments