^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (92)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TUWANG-TUWA rin sina Tatay Ado at Nanay Cion sa ibinalita ni Sam na darating sina Aya.

“Sigurado ba Sam?” Tanong ni Tatay Ado.

“Opo Lolo. Katatawag lang po ni Aya.”

“Bukas ba talaga darating?” Tanong ni Nanay Cion.

“Opo, Lola. Sigurado raw.”

“Tamang-tama ang dating nila. Nagha-harvest ako ng mangga at pakwan. Magsasawa sila sa prutas. Pati yung mga alaga kong tilapia ay matitikman na rin nila. Mahilig sa tilapia si Brenda. Ginataang tilapia na may talbos ng kamote. Ewan ko lang kung ano ang gusto ni Aya. Naku, baka hamburger ang gus­to niyon. Sana tinanong mo, Sam kung ano ang gusto ni Aya.”

“Tatawagan ko Lolo mamaya. Mag-aaral lang ako ng lesson ko.’’

“O e bakit ka mag-aaral e wala namang pasok bukas dahil Sabado.’’

“E siyempre po marami kaming pagkukuwentuhan ni Aya. Baka hindi na ako makapag-aral kaya mag-aaral na ako ngayong gabi.’’
“Ah sige. Oo nga naman. Pero huwag mong kalimutang tawagan si Aya para nakakapaghanda naman ako ng ipa­­ kakain sa kanya. Na­kakahiya naman kung pakakainin ko siya tilapia at hito. Tiyak na sosyal si Aya...”

“Baka po gusto niya ay prito o inihaw na manok?”

“Sigurado ka? Kung yun ang gusto niya ay huhuli na ako ng mga dumalagang native na manok. Kakatayin ko na at ibababad ko sa spices para masarap ihawin…”

“Parang nabanggit   po niya ay manok ang paborito niya. Pero tatawagan ko rin po mamaya…’’

“Sige.”

“E di lilinisin ko na ang kuwarto ni Aya,” sabi ni Nanay Cion.

“Ako na po Lola. Pu­ punasan ko po ang sahig at baka may alika­bok. Iispreyan ko rin ng pabango na katulad sa kuwarto ko.’’

Napangiti ang mag-asawa.

 

KINABUKASAN, pa­sado alas otso, may tumigil na sasakyan sa tapat. Nagmamadali si Sam sa pagdungaw sa bintana. Nang makita niyang sasakyan nina Aya, nagmamadali siyang lumabas para salubungin.

Nang lumabas si Aya sa sasakyan, hindi siya m­akapaniwala sa nakita.

Napakaganda ni Aya! (Itutuloy)

AKO

AYA

LOLA

NANAY CION

NANG

OPO LOLO

SHY

SIGURADO

TATAY ADO

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with