^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (69)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HUWAG kang iiyak ka-pag nasa loob ng classroom ha?”

“Hindi po ako iiyak, Lola.”

“Kahit umalis na si Lolo mo hindi ka iiyak?”

“Hindi po.”

“Ihahatid ka lang ni Lolo tapos susunduin ka paglabasan na.’’

“Opo.”

“Aba ang tapang ng apo ko. Siguro ikaw ang magiging lider sa klase kasi matalino ka. Ano Sam?”

“Siguro po Lola.”

Nagtawa si Nanay Cion. Napaka-bibo ni Sam.

“E kung kaeskuwela mo si Aya siguro lalo kang magiging matalino at masaya.”

“Opo. Sabi po ni Aya gusto niya dito mag-aral para magkaklase kami. E sabi raw po ni Mommy Brenda, dun siya mag-aaral.”

“Mag-aaral na rin ba siya ngayon?”

“Opo.”

Naisip ni Nanay Cion na halos magkasing-edad nga lang pala sina Sam at Aya. Parehong dumedede pa nang unang magkita. Sabay na nagkaisip at lumaki.

Unang araw ng klase ni Sam ay nagpakita na agad ng kakaibang talino. Hindi nga ito umiyak. Hindi katulad ng ibang bata na pagkaraang ihatid ng ina o ama sa loob ng classroom ay umiiyak at gustong bantayan habang nagkaklase. Mayroong gusto nang umuwi.

Si Sam ay bibo at ha­latang matibay ang loob. Nanalaytay ang dugong Arabo na walang pagkagulat o pagkatakot. Kapag nagtanong ang teacher ay agad na sumasagot. Humanga agad ang teacher sa   unang araw  pa lamang. Noon   lamang siguro nakakita ng batang bibo ang teacher. At siguro’y huma-nga rin sa ang-king kaguwa-puhan ni Sam. Naiiba ang it­sura ni Sam sa mga kaeskuwelang batang lalaki.

Nang naglalakad na sina Sam at Tatay Nado patungo sa sakayan ng sa­ sakyan, nagkukuwentuhan sila.

“Ikaw nga ba ang sagot nang sagot sa teacher mo, Sam?’

“Opo, Lolo.”

“Ang husay mo pala.”

“Mana po ako sa’yo Lolo.”

Nagtawa si Tatay Nado. May pagka-komikero pa si Sam.

“A oo. Mana ka nga sa akin. Matalino rin ako noong nag-aaral pa.”

“E ang papa ko po matalino rin?”

Hindi nakasagot si Tatay Nado. Paano niya sasabihin na ang ama niya ay isang Arabo o Saudi.

“Oo. Matalino rin ang papa mo.”

“Nasaan po siya, Lolo?”

“Patay na. Katulad ng mama mo, patay na sila. Mas nauna ang papa mo na namatay. Tapos nang ikaw ay ipanganak, saka naman namatay si Mama mo.’’

“Ah. Wala po bang picture si Papa, Lolo?”

“Wala. Walang pina-kita si Mama mo na picture ni Papa mo.”

“Sino raw kamukha ni Papa, Lolo.”

“Hindi sinabi ni Mama mo. Pero guwapo raw. Na­paka-guwapo raw. Parang mukhang artista.”

“Sana makita ko ang itsura ni Papa.”

Hindi na nagsalita si Sam.

Nag-iisip nang malalim si Tatay Ado. Nagsisimula nang magtanong si Sam ukol sa sarili. Paano pa kung malaki na ito at nasa hustong isipan na, tiyak na hahalungkatin ang nakaraan niya.

(Itutuloy)

 

ANO SAM

ARABO

AYA

LOLO

NANAY CION

OPO

SAM

TATAY NADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with