“AYA!â€
Sigaw ni Sam nang makitang paparating na sina Aya at mommy na si Brenda. Nagtatakbo palabas ng bahay si Sam. Sumunod sina Nanay Cion at Tatay Ado.
Niyakap at hinaliÂkan ni Sam si Aya. HaÂlatang-halata ang kasabikan. Si Aya naman ay nagpaubaya kay Sam. NagÂpahalik. Walang malisya.
Nakatingin si Brenda na halatang tuwang-tuwa sa ginawa ni Sam kay Aya. Inosenteng-inoÂsente ang kilos ng da lawa pero makikita ang katotohanan sa kanilang damdamin. Walang pagkukunwari. Maski sina Nanay Cion at Tatay Ado ay tuwang-tuwa at huÂmanga sa kinilos ni Sam. Hindi aakalaing kilos ng bata ang ginawa ni Sam na pagpapakita ng kasabikan kay Aya.
Nakita nilang niyaya ni Sam sa loob ng bahay si Aya. May sinasabi si Sam kay Aya pero hindi nila marinig.
Si Brenda ang hinarap nila.
“Ginulat mo kami, BrenÂda. Akala namin, matagal ka pang dadalaw. Di ba noong isang linggo ka lang nanggaling dito?†tanong ni Tatay Ado.
“Wala po si Janno. Nasa Port of Davao. Mga isang linggo raw doon.â€
“A, kaya pala nakaÂdalaw agad kayo. E bakit wala kayong dalang sasakyan?â€
“Hindi ko na po ginaÂmit. Pahamak kasi ang drayber. Mabuti pa commute na lang. Medyo matagal nga lang.’’
“E di babalik din agad kayo sa Maynila?†tanong ni Nanay Cion.
“Hindi po. Bukas na ng umaga kami luluwas. Para naman mahaba ang kuwentuhan natin. Isa pa’y si Aya ang nag-request na dito kami ma-tulog para raw makapagÂlaro sila ni Sam. Nang malaman ni Aya na pupunta kami rito, kung anu-ano ang pinabiling pagkain at laruan para raw kay Sam. Excited na excited.â€
“Akala naman ni Sam, matagal bago kayo maÂkadalaw dito. Siguro hinÂdi na masyadong umaÂsa nang sabihin mo na babalik kayo. Kaya nang makita kayo kanina, e ang bilis ng takbo papalabas.â€
“Nakakatuwa po ang dalawa ano Nanay, Tatay?â€
“Oo. Parang mga ma tured na.â€
Niyaya ni Nanay Cion sa loob ng bahay. Kinuha naman ni Tatay Ado ang mga bag na dala ni Brenda.
“Halika na rito sa loob, Brenda.â€
Pagpasok nila ay wala sina Sam at Aya sa salas. Nagtaka sila kung nasaan ang dalawa. Tahimik na tahimik sa loob ng bahay.
“Nasaan kaya ang dalawang iyon?†taÂnong ni Brenda.
Pinuntahan nila sa kuwarto.
(Itutuloy)