Halimuyak Aya (46)

“GUSTO mo ba dumede, Sam?’’ tanong ni Lina habang yakap si Sam.

Umiling si Sam.

“Ayaw na? Bakit?”

Umiling uli. Ngumiti at saka sinubsob ang ulo sa balikat ni Lina.

“Ay ang cute talaga ng anak kong ito. Si-guro paglaki nito ang daming paiibiging babae. Marami ka bang paluluhaing babae, Sam?” Hindi umaalis sa pagkakasubsob si Sam sa balikat ni Lina. Parang naghahanap ng kalinga ng ina. Parang sabik na sabik si Sam kay Lina.

Binalingan ni Lina  si Nanay Cion.  ‘‘Nanay, wala na ba kayong balita kay Ipe? ‘Yung manugang mo na naglayas?’’

“Wala na, Lina.”

“Saan na kaya nagpunta ang taong yun ano po?’’

“Hindi namin alam, Lina.”

“E yun pong bahay nila? Di ba maganda ang bahay nila, hollow block ang dingding at yero ang bubong?’’”

‘‘Okey pa naman. Nilinis nga ni Ado minsan. Marami raw ali-kabok sa loob.’’

“Sayang ang bahay. Bakit hindi po ninyo paupahan?’’

“Ayaw naming pakialaman at baka big­lang dumating ay kung ano ang masabi. Kung mabulok ang bahay e di mabulok. Mahirap kapag gumawa kami ng hakbang na hindi niya alam. Ari kasi niya iyon…’’

“Bale may karapatan po si Sam dun, Nanay Cion. Kasi anak siya...’’

Napatango na lang si Nanay Cion.

‘‘Nakakaawa naman talaga itong si Sam. Pero mabuti na rin lang at mayroon siyang lola at lolo na mapagmahal. Paano kaya kung wala kayo, Nanay Cion? Paano ang batang ito?’’

“Iyan nga ang iniisip ko paano kaya kung wala na kami ni Ado. Nakakaawa ang kalagayan ni Sam.’’

‘‘Kung wala lang akong anak, aampunin ko ang batang ito. Ang guwapo kasi.’’

“Nagpapasalamat nga kami kay Brenda dahil sabi niya, tutulungan niya kami sa pagpapalaki kay Sam. Huwag daw kaming mag-alala at pati sa pag-aaral ay tutulong siya.’’

“Mabuti naman pala at nangako si Brenda. Tutuparin po yun. Kilala ko na rin si Brenda. Hindi siya sumisira sa pangako. Kapag sinabi niya gagawin niya.’’

‘‘Sabi niya lagi si­yang dadalaw dito.’’

‘‘Kapag po nagbalik si Brenda rito e pakisabi po na i-text ako.’’

‘‘Sasabihin ko Lina.’’

NAGSASALITA na si Sam. Nasasabi na ang L-O-L-O at L-O-L-A. Mukhang matalino si Sam. Tuwang-tuwa naman sina Nanay Cion at Tatay Ado. Mahal na mahal nila ang apo. Para sa kanila, malaking kayamanan si Sam.

(Itutuloy)

Show comments