MABILIS na napatakbo si Troy nang marinig ang pagsigaw ni Kreamy. Nasa may punong niyog si Kreamy at merong tinitingnan doon.
“Bakit Kreamy?’’
“Tingnan mo Troy! Mga alakdan! Kakatakot!â€:
Lumapit si Troy at tiningnan ang itinuro ni Kreamy. Nakita niya ang mga alakdan. Limang alakdan iyon na guma-gapang sa puno.
“Di ba poisonous ito, Troy?â€
“Oo. Delikadong ma-kagat ng mga ‘yan dahil may sting. Nasa buntot ang kamandag.’’
“Bakit meron nito rito sa niyog, Troy?â€
“Gusto kasi ng alakdan sa mga namamasang lugar. Nakikita mo ang mga uka sa puno ng niyog na tila nabubulok? Diyan sila nakatira. Malamig diyan. Kapag umuulan diyan naiistak ang tubig at yan ang paborito ng mga alakdan.’’
“Papatayin ba natin ang mga ito, Troy?â€
“Huwag. Hayaan na natin. Hindi naman sila nangangagat maliban na lang kung may banta sa kanila.’’
“Di ba may red scorpion?â€
“Oo. Yun yata ang alakdan na nasa disyerto. Mas matindi raw ang kamandag niyon. Hindi na umaabot sa ospital ang sinumang matusok ng sting.’’
“Itong mga black scorpion e hindi pala gaanong mabagsik, Troy.â€
“Mabagsik din pero hindi tulad sa red ang epekto ng kamandag.’’
Napatango na lang si Kreamy. Pinagmasdan pa nito ang mga gumagapang na alakdan. Nakakatakot ang itsura ng mga ito. Pero ang isang nakakahahanga ay tila matitibay at matatag. Para bang handang lumaban sa sinumang magtatangka sa kanila.
“Halika na roon. MagÂlakad pa tayo. Masarap sa mga paa ang halik ng alon,†yaya ni Troy.
Magkahawak ang kamay na naglakad sila. Ang araw ay nagsisimulang magtago sa bundok. Malamig na ang sikat. Napakaganda ng tanawin. Napakaganda pala talaga ng Puerto Galera.
Habang naglalakad, may naalala si Kreamy. Pinisil ang palad ni Troy.
“Troy, may naalala ako sa sinabi mo sa akin noon…â€
“Ano yun?â€
“Mayroon kang sinabi sa akin tungkol sa alakdan. Natatandaan kong sinabi mo iyon noon may sakit na si Papa. Isinugod natin si Papa sa ospital. Habang binabantayan natin si Papa, nagkukuwentuhan tayo. Sabi mo, tulad ka rin sa alakdan. Bakit mo nasabi na tulad ka sa alakdan, Troy.’’
Napangiti si Troy.
“Ang tingin ko kasi sa alakdan ay napaka-po-werful fighter. Marunong magtanggol sa sarili at mahusay gumawa ng paraan kung paano ma-dedepensahan ang sarili. Noong dumanas ako ng paghihirap sa buhay noon, inapi ako ng superbisor sa factory, naipangako ko sa sarili na babangon ako. At nagawa ko…’’
Nagkatinginan sila.
“Ako rin pala ay kagaya ng alakdan, Troy. Marunong din akong magtanggol sa sarili at bumangon din ako. Nagawa kong hanapin ang aking ina. Napagtagum-payan kong makaligtas sa isang mapang-api at makamandag na alakdan…â€
“Si Mayette?â€
Napatango si KreaÂmy.
“Ibang klaseng alakdan si Mayette. Siya ang pulang alakdan…â€
(Tatapusin na bukas)