‘‘SAAN nakatira si Tito Troy mo?’’ tanong ng babae kay Pau. Mahin- hin ang boses.
“Sa isang condo po na malapit sa kanyang opisina.’’
‘‘Saan ang opisina niya?’’
‘‘Sa may Roxas Blvd. daw po.’’
‘‘Madalas siyang nagtutungo rito?’’
‘‘Tuwing 15th at 30th po ng buwan. Kasi po nagdadala siya ng sup-ply namin. Hindi na po kasi makapagtrabaho si Papa dahil mahina po ang katawan. Si Tito Troy po ang nagpo-provide ng aming panga-ngailangan ni Papa.’’
‘‘Napakabait pala ni Tito Troy mo.’’
“Super bait po niya Mam.’’
‘‘Hindi siya pumapalya sa pagpunta rito ng 15th and 30th?’’
“Hindi po. Kung minsan nga po, advance pa. Bukod sa dinadalhan kami ng supply e may regular na suweldo na binibigay siya kay Papa. Para raw po sa pag-aalaga nitong bahay. Kaya araw-araw po, laging mini-maintain ni Papa na maganda itong bahay. Maski alikabok nga po e hindi makapasok sa bahay dahil hinaharang ni Papa…’’
Napangiti ang babae.
“E yung bahay na yun sa tapat bakit kapareho rin ng pintura nitong bahay na ito. Iisa ba ang may-ari ng bahay na iyon at ito?’’
“Opo. Diyan daw po unang tumira si Papa noon. Mahal na mahal ni Papa ang bahay na iyan. Kapag nakita mo po ang loob ng bahay, hahanga ka po sa sobrang linis. Ipinaayos din po ni Tito Troy ang bahay na iyan.’’’
Napatangu-tango ang babae. Nasiyahan sa mga sinabi ni Pau.
‘‘Mabuting tao ang Tito Troy mo ano?’’
‘‘Super po. Super pa po kay Superman, he-he-he. Ang isa pong pina-ngako sa akin ni Tito Troy na labis kong ikinatutuwa ay pag-aaralin niya ako this coming school year. Huminto po kasi ako. Dapat po, third year na ako. Pag-aaralin daw po ako sa Science High School. Gusto ko po kasi mag-doktor….’’
Tumingin nang may paghanga ang babae kay Pau. Napagmasdan naman ni Pau ang mga singkit na mata ng babae na naikumpara niya sa artistang si Kim Chiu.
Binawi ng babae ang pagkakatingin kay Pau. Maya-maya, nagtanong muli nang may kaugnayan kay Troy.
“E nasaan ang pa-milya ni Tito Troy mo?’’
“Pamilya? Wala pa pong pamilya si Tito. Binata po siya. Binatang-binata po.’’
“Paano ka naman nakasiguro?”
“Sabi po ni Papa. Wala raw pong nililigawan si Tito...’’
May itatanong pa sana ang babae pero lumabas na mula sa bahay si Digol. At gulat na gulat ito nang makita ang babaing kausap ni Pau.
‘‘Kreamy?’’
(Itutuloy)