“OKEY lang pala na kina-in ng anay ang “obra” mo Pinsan?”
“Oo Digol. Noon ko pa nga gustong alisin ang painting na yun dito sa salas, hindi ko lang magawa at baka pagmultuhan ako ni Mayette. Pero noon pa, makaraang mamatay si Mayette gusto ko nang itapon yun.’’
“Akala ko kasi maga-galit ka, Pinsan dahil kinain ng anay.’’
“Hindi. Salamat sa mga anay. At saka nalalaswaan ako sa pain-ting na yun. Muntik pa ng maghubad si Mayette. Gusto nakabuyanyang ang dibdib. Sabi ko, takpan naman niya dahil masagwa. Mabuti at nakinig sa akin.’’
Nakahinga nang maluwag si Digol. Hindi na pala siya mag-iimbento ng kung anu-ano. Salamat din sa anay. Pero iingatan din niyang malaman ni Troy na si Mam Siony ang nagpaalis ng painting. Huwag din daw sabihin kay Troy na nanggaling siya rito. Na-ngako siya na hindi malalaman ni Troy ang lahat.
“Kumusta ka naman dito Digol?”
“Okey lang Pinsan. Kapag tapos na ang paglili- nis ko ng bahay, nanonood na lang ako ng TV.’’
“Pagbalik ko, dadalhan kita nang malaking flat screen na TV. Para enjoy na enjoy ka.’’
“Salamat, Pinsan.’’
“Ingatan mo lang itong bahay ni Kreamy.’’
“Iyon ang ginagawa ko Pinsan. Iniingatan ko talaga ito.’’
SANAY nang mag-isa si Digol sa bahay na iyon. Natutuhan na niyang tanggapin ang kapala-ran. Maligaya na siya.
Nasasabik naman siya na makita si Kreamy. Kailan kaya darating si Kreamy?
(Itutuloy)