“KAILAN ka babalik, Troy?” tanong ni Mam Siony nang nagpapaalam na si Troy.
“Kapag po kaya ko nang humarap kay Kreamy. Pakiabot na lang po ang pangungumusta sa kanya. Pakisabi rin po na ang tinitirahan namin ngayon ay siya ang may karapatan. Maaari po kaming umalis doon kung gugustuhin niya. Pero sa ngayon kami muna ang magbabantay ni Digol dahil maraming mawawalang gamit.’’
“Sasabihin ko kay Kreamy. Pero ako na ang nagsasabi na dapat talaga kayo muna ang tumao sa bahay sapagkat hindi ka-yang gampanan ni Kreamy ang pag-asikaso sa naiwan ng papa niya. Alam ko kaya mo nang lumipat sa magandang bahay, Troy pero nakikiusap ako dun muna kayo ng pinsan mo.’’
Napangiti si Troy. Natutuwa siya sa pagtitiwala ni Mam Siony.
“Salamat po. Napamahal din po kasi sa akin ang bahay nina Kreamy. Maraming alaala roon.’’
Napatangu-tango si Mam Siony.
Tuluyan nang nagpaalam si Troy. Tinanaw siya ni Mam Siony habang papalayo.
Nakadama ng luwag sa dibdib si Siony.
Nang dumating si Troy sa bahay, excited si Digol.
“Nagkita kayo ni Kreamy, pinsan?”
“Hindi. Nasa ibang bansa siya. Yung mama niya ang naroon at mara- mi akong nalaman ukol kay Kreamy at papa niya.’’
“Kailan kayo magkikita ni Kreamy.’’
“Baka hindi na ako magpakita sa kanya. Baka umalis na ako sa bahay na ito…”
Tulala si Digol.
(Itutuloy)