ANG sulat na binuksan at binasa ni Troy ay ginawa ni Siony habang narito pa sa Pinas at nagbabaÂkasyon si Dolfo. Hula ni Troy dito na hinulog ang sulat sa Pilipinas. Hindi na marahil nahintay ang pagbabalik ni Dolfo sa Riyadh sapagkat mahahalata na ang tiyan nito. Sa sulat ay nakasaad na nagpaalam si Siony sa mga among si Sir Abdul Aziz at Mam Nuhra.
‘‘Ipinagtapat ko sa aking mga amo ang tunay kong kalagayan, Papa. At naunaÂwaan naman nila ako. Hindi nga sila nagtanong kung sino at paano ako nabuntis. Sabi pa nila, kung nais ko raw bumalik sa kanila, tatanggapin nila ako. Huwag daw akong mahihiya na ipalaam sa kanila. Sulatan ko raw sila para maÂihanda nila ang visa ko. PiÂnabaunan pa nila ako ng pera bukod sa suweldo ko. Kakailanganin ko raw ang pera dahil ma-nganganak ako.
“Inihatid nila ako sa King Khalid International Airport. Iyak ako nang iyak nang papasok na sa loob ng airport. Si Mam Nuhra ay naiiyak din. Kasi talagang parang kapatid ang turing nila sa akin. Tinapik-tapik ako sa likod ni Mam. Basta raw kung gusto kong bumalik, abisuhan lang sila. Sumulat lang daw ako sa kanila para nakahanda sila.
“Siguro Papa, bago mo mabasa ang sulat na ito ay baka palipad ka na pa tuÂngong Riyadh. Sana maÂtanggap mo para magkita tayo. Kung may pagkaka-taon ka, puntahan mo ako sa San Pablo. Sumakay ka ng bus sa Buendia Station. Sakyan mo ang biyaheng Lucena City. Tapos sumaÂkay ka ng traysikel at magpahatid sa may Simbahan. Sa Simbahan ay may dyip na biyaheng Nagcarlan-Liliw. Doon ka sumakay. Bumaba ka sa tapat ng isang school. Ipagtanong mo ang pangalan ko at alam na yun…Sige hanggang dito na lamang, Papa. Love – Siony.â€
Doon natapos ang sulat. Nakangiti si Troy.
“Tapos na Pinsan?’’ tanong ni Digol.
“Oo.’’
“Bitin ang sulat ni Sio-ny ano?’’
“Okey na yun. At least, sinabi kung paano makakapunta sa San Pablo.’’
“Pupuntahan mo.’’
“Samahan mo ako Digol.’’
Nag-isip si Digol.
“Kaya ko kayang magbiyahe, Pinsan?’’
“Kaya mo. Malakas ka na naman e.’’
“Sige.’’
“Nasasabik na akong makita si Kreamy. At sana naroon siya.’’
(Itutuloy)