Parang concert ang album launch ng 6Cyclemind
March 3, 2007 | 12:00am
Magugustuhan ng mga ka-age ko ang latest album ng 6Cyclemind. Una hindi ito maingay at pamilyar ang tono dahil mga ni-remake lang ng mga kantang "Prinsesa" ng Teeth, "I’m Between Days" ng Cure, "Upside Down " ng Two Minds Crack, "Across the Universe" ng Beatles, "Home" ni Michael Bublle na siya ring titulo ng album at marami pang iba.
Impressive ang gina wang launching ng SONY BMG para sa album. Naka-pormal na kasuotan ang mga myembro  Ney Dimaculangan, vocals; Rye Sarmiento, rhythm guitar; Churck Isidro, lead guitar; Bob Canamo, bass at Tutti Caringal, drums. Parang concert ang launching complete with back-up singers at may violinists & keyboardist.
Nakipag-collaborate ang 6Cyclemind sa drummer ng Barbie’s Cradle na si Wendell Garcia na siyang nag-prodyus ng album. Ang jazz artist na si Isha ang gumawa ng areglo ng "Be My Number Two" na inawit ng solo ng vocalist at hindi siya kumalabit ng gitara.
Parang over-exposed na sa entertainment press ang parehang Rayver Cruz at Shaina Magdayao. Di pa natatagalang i-launch ang kanilang "Ultimate Dance Four" dance album from Star Records na kung saan ay kasama nila sina Maja Salvador at John Prats, meron agad silang pelikulang iri-release ng Regal, ang Happy Hearts, launching film ng kanilang tambalan at sinusuportahan nina Rustom Padilla, Wendell Ramos, Tirso Cruz lll, Jean Garcia, sa direksyon ni Joel Lamangan. Palabas na ito sa Marso 14 kaya hindi sila mapahinga sa pagpo-promote nito na kasabay din ng promo nila ng kanilang dance album.
At parang di pa ito sapat dahil sila ang tampok sa buong buwan ng Marso sa Love Spell ng ABS CBN na magsisimula sa Linggo, Mar. 4.
Shoes Ko Po, Shoes Ko Day, ang titulo ng episode na nagtatampok din kina Maja at John. Tungkol sa dalawang magkaibigang social climber na di nakikihalubilo sa di nila ka-level. Isinumpa sila ng isang fairy, pinapangit sila at gaganda lamang kapag may na in love sa kanila.
E-mail: [email protected]
Impressive ang gina wang launching ng SONY BMG para sa album. Naka-pormal na kasuotan ang mga myembro  Ney Dimaculangan, vocals; Rye Sarmiento, rhythm guitar; Churck Isidro, lead guitar; Bob Canamo, bass at Tutti Caringal, drums. Parang concert ang launching complete with back-up singers at may violinists & keyboardist.
Nakipag-collaborate ang 6Cyclemind sa drummer ng Barbie’s Cradle na si Wendell Garcia na siyang nag-prodyus ng album. Ang jazz artist na si Isha ang gumawa ng areglo ng "Be My Number Two" na inawit ng solo ng vocalist at hindi siya kumalabit ng gitara.
At parang di pa ito sapat dahil sila ang tampok sa buong buwan ng Marso sa Love Spell ng ABS CBN na magsisimula sa Linggo, Mar. 4.
Shoes Ko Po, Shoes Ko Day, ang titulo ng episode na nagtatampok din kina Maja at John. Tungkol sa dalawang magkaibigang social climber na di nakikihalubilo sa di nila ka-level. Isinumpa sila ng isang fairy, pinapangit sila at gaganda lamang kapag may na in love sa kanila.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended