^

PSN Showbiz

Denver, inihabilin ang mga anak sa amang si Darius

RATED A - Aster Amoyo -
Damang-dama namin ang pighating nararamdaman ngayon ng singer-actor at dating konsehal ng Mandaluyong na si Darius Razon nang ito’y aming makausap sa unang gabi ng burol ng kanyang panganay na anak na si Denver Razon sa Arlington na binawian ng buhay dahilan sa isang vehicular accident nung alas-2:30 ng madaling araw nung Marso 15 sa may Araneta Avenue sa Quezon City.  

Kagagaling lang noon ni Denver dumalo sa huling gabi ng lamay ng kanyang lolo sa Funeraria Nacional. Nakisabay siyang umuwi sa isang kaibigan na nagngangalang Marian. Hindi pa sila kalayuan sa Funeraria Nacional nang masalpok ang minamanehong kotse ni Marian ng isang rumaragasang truck at tumama ito sa isang Meralco post. Nakaupo si Denver sa harapan at siya ang napuruhan sa halos total wreck na sasakyan. 

Durug-durog ang puso ng isang naulilang ama na siyang tumayong ama’t ina sa kanyang dalawang anak magmula nang maghiwalay sina Darius at ng kanyang asawa nung pitong taong gulang pa lamang si Denver at limang taon naman ang kanyang bunsong anak na si Darleen na sumakabilang buhay naman nung taong 1992 nang masunog ang kanilang bahay sa Mandaluyong kasama ang kanyang bunsong anak na natutulog noon.

Napakahirap nga namang tanggapin ng isang magulang ang pagkawala ng dalawang minamahal na anak sa isang trahedya.

Kung dumalaw si Denver sa huling lamay ng kanyang lolo sa Funeraria Nacional nung gabi ng March 14 at inilibing kinabukasan, siya naman ang pinaglalamayan ngayon. Mula sa Funeraria Arlington ay inilipat nung Huwebes (March 16) ng umaga ang mga labi ni Denver sa San Roque Parish Church (along Boni Avenue) sa Mandaluyong City para doon na paglamayan hanggang sa paghahatid sa kanya sa kanyang huling hantungan.

Si Denver (30) ay naging miyembro ng now-defunct daily  youth-oriented program ni Kuya Germs (Moreno), ang That’s Entertainment at nakagawa rin ito ng ilang pelikula.  May-asawa na rin si Denver, si Joyce at meron silang dalawang anak na babae - sina Mica (4) at Monica (3) na parehong walang kamuwang-muwang na tuluyan nang nawala sa kanila ang kanilang ama.  

Kasalukuyang  naninilbihang konsehal ng Mandaluyong nang  bawian ng buhay si Denver.

Nang tanungin namin ang bunso ni Denver na si Monica kung nasaan ang kanyang daddy, itinuro nito ang kabaong ng ama at sabay sabi na "Ayan po natutulog."

Ayon kay Darius, may tampuhan umano sila ni Denver bago ito pumanaw kaya lalong masakit sa kanya na hindi man lamang sila nagkaayos bago ito pumanaw.

"Alam ng Diyos at alam ni Denver kung gaano ko siya kamahal. Nang mawala sa akin si Darleen, ibinuhos ko ang aking attention at pagmamahal kay Denver na siyang natira sa akin.  Ngayon, siya naman ang nawala," humahagulgol na tinuran ni Darius.

Sinabi rin sa amin ni Darius na minsan daw ay nagsalita  si Denver sa harap niya at ng kanyang mga anak nang ganito, "Bahala na sa inyo ang inyong lolo (Darius)" na hindi naman daw niya binigyan ng ibang kahulugan.

Hanggang sa umalis kami sa funeraria ay walang tigil sa pag-iyak si Darius. 

Nang sabihin sa amin ni Darius na gusto niyang makita si Lipa Mayor Vilma Santos na kanyang kumare at ninang ni Denver, agad namin tinawagan ang right hand person ni Vi na si Ate Aida Fandialan na nagkataon palang kasama niya kaya agad nagkausap ang dalawa.  Kinabukasan ng hapon ay dumalaw si Vi sa burol ng kanyang inaanak.  Close na kaibigan din umano ni Denver ang sikat na singer na si Kyla.

"Sana dalawin niya (Kyla) si Denver," pakiusap ni Darius.

Parating naman umano galing Japan ang ex-wife ni Darius para dumalo sa burol at libing ng kanilang anak.

Nang umalis kami ng funeraria ay wala pa kaming detalye tungkol sa libing ni Denver.

Mula sa amin dito sa PSN, ang aming taos pusong pakikiramay kay Darius Razon at sa iba pa nilang kaanak sa maagang pagyao ni Denver.
* * *
E-mail: [email protected]

ANAK

DARIUS

DARIUS RAZON

DENVER

FUNERARIA NACIONAL

KANYANG

MANDALUYONG

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with