^

PSN Showbiz

Kristine, mas pinili si Diether kesa sa pamilya

-
Itinanggi ni Kristine Hermosa ang nasulat na ‘pinalayas’ niya ang ina sa condo unit na tinitirhan niya. Paano raw nangyari ‘yun, e, hindi naman niya nakasama ang ina sa bahay niya?

"Noon, magkakasama kami sa bahay namin, pero ako ang umalis kasi gusto kong magsarili na. Pero never kong nakasama ang mama ko sa condo unit. Bakit ko naman palalayasin si mama?" nagtatakang pahayag ni Kristine.

Nabanggit din ng aktres na papaalis na ang pamilya niya patungong Canada at hindi raw siya kasama.

"Magma-migrate na sila at hindi ako makakasama kasi marami akong trabaho rito, siguro dadalaw-dalaw na lang ako," say niya.

At ang bahay na tinitirhan ng pamilya niya sa isang mamahaling subdivision sa Kyusi ay pag-aari ni Kristine at siya ang nagpatayo rito para sa future niya. Kaya naman tinanong namin kung uuwi ba siya roon kapag umalis na ang family niya?

"As of now, hindi ko planong bumalik sa bahay, marami pa akong dapat ayusin, asikasuhin, siguro in due time. Bahala na, wala talaga sa isipan ko," paliwanag pa uli ng leading lady ni Vic Sotto sa Enteng Kabisote.

Binanggit niya ang sinasabing aayusin niya sa buhay niya, si Diether Ocampo ba ang aayusin niya dahil nga pinapaayos niya ang naging kasal nilang illegal?

"Kung magpapakasal kami, siguro not now, kasi may mga dapat ayusin nga. Pero sinisiguro ko sa ngayon na si Diet ang gusto ko pa ring pakasalan dahil wala pa akong ibang nakikitang pwedeng ipalit kay Diet," seryoso niyang pahayag.

So, ganu’n niya kamahal ang aktor? Dahil nagawa niyang ipagpalit ang magulang niya?

"Hindi ko naman ipinagpalit, nandiyan lang ang pamilya ko siyempre. At saka sa huling pag-uusap namin ni mama (Mai Hermosa) sinabi niya na wala naman siyang magagawa kung sino ang gusto kong mahalin dahil ako raw ang makikisama," muli niyang paliwanag.

Samantala, nagbiro ang aktres na sobrang enjoy niya sa set ng Enteng Kabisote 2 at baka lumipat na raw siya ng GMA 7 na ikinaloka ng mga nakarinig sa presscon.

"Wala ‘yun, at saka totoo namang nag-enjoy ako ng todo. Masaya ako sa istasyon ko, may trabaho ako at so far wala namang offer ang GMA 7, so bakit ako lilipat?" nangiting sambit ng aktres.
* * *
Buong ningning na inamin ni Oyo Boy Sotto na naging girlfriend niya si Nadine Samonte sa loob ng limang buwan at nangyari raw ito nu’ng ginagawa nila ang Leya, ang afternoon drama nila sa GMA 7.

Hindi na nag-elaborate pa si Oyo kung bakit sila naghiwalay ni Nadine, basta say lang niya, kung kailan daw sila totally nag-split ay saka naman kumalat na sila na.

Aware rin ang aktor na may gap ang present girlfriend niyang si Angel Locsin at ex girlfriend na si Nadine, "Actually hindi ko naiintindihan nu’ng una sa mga nababasa ko na may gap sila or hindi nagpapansinan, tinatanong ko nga si Angel kung totoo, e, nagpaliwanag nga na may ganu’ng isyu sa set yata.

"Sabi ko na lang na huwag niyang pansinin kasi lilipas din ‘yun at wala rin namang sinasabing masama si Angel kay Nadine at ganu’n din si Nadine, siguro hindi lang nagkakaintindihan," paliwanag ng binata.

Idini-deny ni Nadine na naging boyfriend niya si Oyo Boy?

"Ah, talaga? Hamu siya," kaswal namang sabi ng aktor pero napangiti.

Muling masusubukan ang kredibilidad ni Nadine sa pagsasabi ng totoo dahil nu’ng una ay itinanggi niya si Tyron Perez na nakarelasyon niya, never daw niya naging boyfriend si Tyron, kaibigan lang daw.

At ngayon, umamin na rin si Oyo Boy at sa rami ng beses naming nakausap ang aktor ay never pa itong nagsabi ng mali.

Maraming beses na naming na-interview si Nadine at maraming beses na rin naming napatunayang inconsistent siya sa kanyang mga pahayag.

Now, it’s Nadine’s word over Oyo Boy? Sino ang dapat paniwalaan?

Samantala, very proud si Oyo kay Angel dahil sa mga achievements nito sa career at sa pagiging hardworking.

"Very proud ako kay Angel, imagine walang pahinga, dire-diretso ang tapings/shootings tapos may mga photo-shoot pa at may out of the country pang shooting para sa commercial, kaya bilib ako kasi kaya niya lahat," pagmamalaki ng aktor sa girlfriend niyang si Angel. – Reggee Bonoan

vuukle comment

AKO

ANGEL LOCSIN

DIETHER OCAMPO

ENTENG KABISOTE

KRISTINE

NADINE

NIYA

OYO BOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with