GMA7 at Viva, hindi na nagkakaintindihan ngayon
March 29, 2004 | 12:00am
Hindi lang pala si Rainier Castillo ang gustong ikontratang recording star ng Universal Records. Pati si Nadine Samonte ay ino-fferan din ni Bella Tan na gumawa ng album sa kanila.
Natuwa ang manager ni Nadine sa interes ni Bella pero, ayaw nitong tanggapin ang offer. Hindi raw ganoon kaganda ang boses ng dalagita para gumawa ng album. Takot si Jeffrey Gamil na baka hindi makatulong sa kanyang alaga ang maging recording star.
Ganoon din ang paliwanag ni Tom Andrales na manager ni Rainier nang offeran ang binata ng recording contract. Pero, mukhang malapit nang bumigay si Tom sa huli naming pag-uusap. Parang mapapapayag siya ni Bella na kailangan lang ni Rainier ng voice lesson at mag-i-improve na ang boses.
Sa pagri-recording ni Nadine ng songs na ginagamit sa kanyang mall tours at out-of-town shows siya narinig ni Bella. Naniniwala itong kayang gumawa ng album ni Nadine but as of today, hindi pa kumbinsido ang manager nito. Si Nadine ngay takot mag-recording at di raw niya carry ang maging recording star.
Balimbing ang magaling na actress na ito. Sa harap ng mga kaibigan, sinasabi nitong si Fernando Poe, Jr. ang susuportahan, ikakampanya at ibobotong presidente sa eleksyon. Nililitanya pa nito ang mga rason kung bakit ang action king ang kanyang iboboto at hindi ang ibang presidentiable.
Naloka na lang ang mga kaibigang artista ng magaling na actress dahil nakasabay nila itong mangampanya sa isang probinsya. Hindi si FPJ kundi si President Gloria Macapagal-Arroyo ang ikinakampanya nito. Akala pa nga ng supporters ni FPJ, kaboses lang ng aktres ang kanilang naririnig na nagsasalita pero nadismaya sila nang makumpirmang ang magaling na aktres nga ang narinig nilang nagsasalita.
May alibi ang magaling na actress kung bakit namaos na siya sa pangangampanya kay GMA at hindi sa grupo ni FPJ siya sumasama. Dahil daw yun sa kanyang manager na big supporter ni GMA at sumusunod lang siya rito.
Matutuwa ang mga gusto pang sumali sa Search For A Star kung totoo ang balitang babalik ito ng GMA-7. Aayusin lang siguro ng Ch. 7 ang magiging problema sakaling maghabol ang Viva Entertainment na co-producer nila ng singing competition. Kung totoong ang network ang may rights sa title na Search For A Star, hindi sila mahihirapang ibalik ito sa ere.
Obvious talaga ang di pagkakaunawaan ng Ch. 7 at Viva Entertainment dahil considering na sa Ch. 7 ang nasabing program, sa mga show ng ABS-CBN nag-guest ang mga winner gaya sa The Buzz at ASAP Mania. Natawa kami sa narinig na rason kung bakit hindi sa SOP nag-guest si Rachelle, puno raw that time ng guest ang Sunday show ng Ch. 7, di ba nakakatawa?
Nagi-enjoy sa pagbababad sa taping ng Stage 1: StarStruck Playhouse ang kaibigan naming reporter dahil marami siyang nakukuhang balita.
Kagaya na lamang noong mag-taping ang grupo sa New Era Hospital. Pinaiyak daw ni Alvin Aragon si Sheena Halili dahil sa kataklesahan nito. Bago ang cellphone ni Alvin at pinagtripan niyang kunan ng picture ang mga kasama. Enjoy naman daw sa pagpo-pose ang lahat lalo na ang mga babaing member ng StarStruck.
Hindi maganda ang pose ni Sheena kaya, nag-request si Alvin na ulitin ang pagkuha niya ng picture nito. Kaso, hindi maganda ang binanggit na rason ni Alvin kung bakit kailangang i-take two niya ang pagkuha ng picture. Na-hurt si Sheena sa dialogue ni Alvin na "wag ang picture na ito, mukha kang pokpok." Nagulat na lang daw si Alvin nang biglang tumayo si Sheena at tuluy-tuloy na nag-walkout na umiiyak.
In fairness, nag-sorry naman si Alvin nang malamang ang pagka-taklesa niya ang dahilan nang pag-iyak ni Sheena. Pero, dahil doon, hindi na ito pumayag na kodakan pa siya ni Alvin.
Incidentally, kasama si Sheena sa cast ng Magpakailanman na ipi-feature ang life story ni Ate Luds o Inday Badiday. Si Sheena ang gaganap sa role ni Klang-Klang, ang anak ni Ate Luds sa partner niyang si Bo Tagasa. Si Angelu de Leon ang gaganap sa role ni Ate Luds. Sa Huwebes na ito ipapalabas.
Natuwa ang manager ni Nadine sa interes ni Bella pero, ayaw nitong tanggapin ang offer. Hindi raw ganoon kaganda ang boses ng dalagita para gumawa ng album. Takot si Jeffrey Gamil na baka hindi makatulong sa kanyang alaga ang maging recording star.
Ganoon din ang paliwanag ni Tom Andrales na manager ni Rainier nang offeran ang binata ng recording contract. Pero, mukhang malapit nang bumigay si Tom sa huli naming pag-uusap. Parang mapapapayag siya ni Bella na kailangan lang ni Rainier ng voice lesson at mag-i-improve na ang boses.
Sa pagri-recording ni Nadine ng songs na ginagamit sa kanyang mall tours at out-of-town shows siya narinig ni Bella. Naniniwala itong kayang gumawa ng album ni Nadine but as of today, hindi pa kumbinsido ang manager nito. Si Nadine ngay takot mag-recording at di raw niya carry ang maging recording star.
Naloka na lang ang mga kaibigang artista ng magaling na actress dahil nakasabay nila itong mangampanya sa isang probinsya. Hindi si FPJ kundi si President Gloria Macapagal-Arroyo ang ikinakampanya nito. Akala pa nga ng supporters ni FPJ, kaboses lang ng aktres ang kanilang naririnig na nagsasalita pero nadismaya sila nang makumpirmang ang magaling na aktres nga ang narinig nilang nagsasalita.
May alibi ang magaling na actress kung bakit namaos na siya sa pangangampanya kay GMA at hindi sa grupo ni FPJ siya sumasama. Dahil daw yun sa kanyang manager na big supporter ni GMA at sumusunod lang siya rito.
Obvious talaga ang di pagkakaunawaan ng Ch. 7 at Viva Entertainment dahil considering na sa Ch. 7 ang nasabing program, sa mga show ng ABS-CBN nag-guest ang mga winner gaya sa The Buzz at ASAP Mania. Natawa kami sa narinig na rason kung bakit hindi sa SOP nag-guest si Rachelle, puno raw that time ng guest ang Sunday show ng Ch. 7, di ba nakakatawa?
Kagaya na lamang noong mag-taping ang grupo sa New Era Hospital. Pinaiyak daw ni Alvin Aragon si Sheena Halili dahil sa kataklesahan nito. Bago ang cellphone ni Alvin at pinagtripan niyang kunan ng picture ang mga kasama. Enjoy naman daw sa pagpo-pose ang lahat lalo na ang mga babaing member ng StarStruck.
Hindi maganda ang pose ni Sheena kaya, nag-request si Alvin na ulitin ang pagkuha niya ng picture nito. Kaso, hindi maganda ang binanggit na rason ni Alvin kung bakit kailangang i-take two niya ang pagkuha ng picture. Na-hurt si Sheena sa dialogue ni Alvin na "wag ang picture na ito, mukha kang pokpok." Nagulat na lang daw si Alvin nang biglang tumayo si Sheena at tuluy-tuloy na nag-walkout na umiiyak.
In fairness, nag-sorry naman si Alvin nang malamang ang pagka-taklesa niya ang dahilan nang pag-iyak ni Sheena. Pero, dahil doon, hindi na ito pumayag na kodakan pa siya ni Alvin.
Incidentally, kasama si Sheena sa cast ng Magpakailanman na ipi-feature ang life story ni Ate Luds o Inday Badiday. Si Sheena ang gaganap sa role ni Klang-Klang, ang anak ni Ate Luds sa partner niyang si Bo Tagasa. Si Angelu de Leon ang gaganap sa role ni Ate Luds. Sa Huwebes na ito ipapalabas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended