Dumating at nawala na sina Angel Locsin at Paolo Araneta, pero sina Oyo at Anne, nagmamahalan pa rin!
Marami ang naniniwala na muling magkakabalikan ang dating magdyowang Oyo Sotto at Anne Curtis dahil magkasama silang lagi ngayon. Bukod sa pareho na silang Kapamilya ay pinagsama pa rin sila sa isang bagong Sineserye, ang May Minamahal na tinampukan nung 90’s nina Aga Muhlach at Aiko Melendez.
Nagwakas ang movie sa pagpapakasal ng dalawang major character at ang serye ay magsisimula naman sa kanilang buhay may-asawa.
First time ito nina Oyo at Anne na magsama sa isang serye. At dahil parehong libre dahil sinabi ni Anne na wala silang relasyon ni Sam Milby, na hindi sila mag-on, at si Oyo naman ay kabi-break lang kay Angel Locsin kung kaya lahat ay pinagpapareha sila at ipinagtutulakan sa isa’t isa.
“Kahit na nung mag-on kami ay pareho kaming bata, at si Oyo ay palaging naninira ng telepono at pinagsasarhan ko ng gate, doors will never be closed for him,” ani Anne.
Inamin din ni Oyo na meron pa rin silang kilig na nadarama at nandun pa rin ang chemistry nila. “Kilala na namin ang isa’t isa, wala na kaming nararam damang pagkailang sa isa’t isa,” pagmamalaki niya..
Magsisimula ang May Minamahal sa June 4, 6NG sa ABS CBN.
Sa June ‘12, Araw ng Kalayaan, isang pelikula ang magsisimulang mapapanood na pinagtulung-tulungang mabuo ng tatlong mga kilala at blockbuster producer na sina Butch Jimenez, Tony Tuviera at Tony Gloria para makatulong na mabigyan ng matitirahan ang maraming maralitang Pi lipino sa pamamagitan ng Gawad Kalinga.
Pinamagatang Paraiso, isang trilogy ito na nagkaro’n ng maraming successful premieres sa US, Europe, Australia at Singapore at nakalikom ng pondong P200M na magagamit ng Gawad Kalinga para makagawa ng maraming komunidad o villages dito sa atin,
Inaasahan ng tatlo na ang mga pagpapalabas na gagawin dito ng Paraiso ay makakagenerate din ng funds para makagawa ng mga maraming komudad/bahay.
Isang nakakatawang episode ang pinrodyus ni Butch Jimenez, tungkol sa isang delingkwenteng kabataan, si Elvis, na inampon ng mga lider ng GK, itinuring na parang isang anak at ngayon ay maituruing nang icon sa telecom industry.
Ang istorya naman ni Tony Tuviera, pangulo ng TAPE at producer ng maraming palabas ng GMA7 kasama na ang Eat Bulaga ay tungkol sa isang ina na nalibing ng buhay sa isang landslide kasama ang kanyang dalawang anak.
Isang Pinoy OFW naman ang bida sa isa sa tatlong istorya na prodyus ni Tony Gloria, ang producer ng mga pelikulang Crying Ladies at La Visa Loca. Tungkol ito sa Amerikanong asawa ng Pinoy na namatay sa trahedya ng World Trade Center. The husband fulfills the wife’s dream by building and dedicating a GK village in her name.
Pawang mga true stories ang napiling isama sa trilogy na natapos sa pamamagitan ng hiraman ng mga equipment, pagkuha sa serbisyo ng mga artista na hindi sumingil ng mahal, pagbo-volunteer ng maraning production people tulad ng editor na si Mike Idioma na libre ang serbisyo.
Hindi lamang mga matitirahan ang matatanggap ang mga maswerteng Pilipino, tutulungan din silang mamintina spiritually, emotionally at maging financially. Tuturuan sila ng mga livelihood programs sa loob ng mga villages.
Ang Philippine premiere ng Paraiso ay magaganap sa June 12 sa Mall of Asia na dadaluhan ng pangulo ng bansa.
* * *
Nasa US pa rin si Melanie Marquez at nagbabakasyon kasama ang kanyang pamilya pero pagbalik niya ay sabak na naman siya sa kanyang trabaho bilang endorser ng New Placenta na habang wala siya ay abala sa pagsali at pagsuporta sa mga activities na may kinalaman sa beauty.
Tulad ng Miss Bay City Mall 2007 na magtatapos sa isang grand coronation sa araw na it. Sponsor ang Psalmstre dito at sa semifinals nito ay sila rin ang nagprovide ng entertainment sa pamamagitan ni Ms. Lyn Reyes. Namahagi rin ito ng mga soap samples ng New Placenta at Olive-C.
* * *
- Latest