Kahanga-hangang comedy tandem
September 16, 2003 | 12:00am
Lingid sa kaalaman ng marami, matagal nang matalik na magkaibigan sina Joey Marquez at Jinggoy Estrada. Kaya naman sa shooting ng kanilang pelikulang Utang ng Ama under Maverick Films ay hindi naging mahirap na magkaroon sila ng magandang pagsasamahan lalo na pagdating sa aspeto ng pagpapatawa.
Pati ang director ng naturang pelikula, si Tony Y. Reyes, ay nagulat din dahil maganda raw ang timing ng isat isa sa pagbibitaw ng punchlines. Tuwang-tuwa rin ang scriptwriter na si Mel del Rosario (sumulat din ng script ng comedy hit na Ang Tanging Ina) kay Jinggoy at Joey dahil di siya nahirapan i-explain ang istorya sa kanila.
Ang Utang ng Ama ay tungkol sa dalawang anak (Jinggoy at Joey) na ang kani-kanilang mga tatay (ginampanan ng mga action stars na sina Phillip Salvador at Rudy Fernandez) ay may prinsipyong "Whats mine is yours" o "Kung ano ang iyo ay akin din". Halos lahat ng bagay ay pinagsasaluhan ng kanilang tatay pati ang pera.
Kaya nang magkautang si Phillip kay Rudy, nagkasundo ang dalawa na kalimutan ang bagay na ito, tutal sinusunod naman nila ang kasabihang "Whats mine is yours".
Ngunit nang pumanaw ang dalawang tatay, hindi nakapagpigil ang asawa ni Rudy na pagtrabahuhin ang anak ni Phillip na si Ruel (Jinggoy) bilang personal assistant ni Dong (Joey) upang mabayaran ang mga utang nito. Ngunit imbes na magtrabaho ng mabuti ay naging magka-partner pa ang dalawang anak pagdating sa kabulastugan. Tila taliwas sa kasabihang "Water is thicker than blood".
At dahil nais ipagpatuloy nina Jinggoy at Joey ang prinsipyo ng kanilang tatay, isang babae rin ang kanilang iibigin sa katauhan ng sikat na sexy star na si Katya Santos. Ayon kay Katya, may pagkakataong di siya makapag-concentrate sa set ng shooting ng pelikula dahil natatawa talaga siya sa mga leading men niya. "Nakakaaliw silang pareho dahil natural ang pagiging comedian nila," sambit pa ni Katya.
"The movie will have a lot of spoofs, twists and turns. "Its a roller-coaster ride in terms of comedy," ayon sa Maverick Films Executive Producer na si Eric Cuatico. Dagdag pa ni direk Tony, "Somehow, they remind me of Dolphy and Panchito during their younger days. Ganoon kataas ang level ng comedy nila rito."
Maliban kina Rudy Fernandez at Phillip Salvador, may cameo roles din sa Utang ng Ama sina Ronnie Ricketts, Lorna Tolentino, Jay Manalo, Bayani Agbayani, Vhong Navarro, former basketball star Philip Cezar, Mahal, Ruby Rodriguez at Cesar Montano.
Ang Utang ng Ama ay magbubukas sa Metro Manila theaters sa October 22.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended