^

PSN Showbiz

Makasalanan... David, may birthday message kay Kathryn

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Makasalanan... David, may birthday message kay Kathryn
David Licauco at Kathryn Bernardo

Ang bongga ng pelikulang Samahan ng mga Makasalanan na pinagbibidahan ni David Licauco.

Ang ganda ng trailer na pinalabas kahapon sa ginanap na media conference nito kung saan bida rin si Sanya Lopez.

Ito ang first collab ng GMA Pictures with former governor Chavit Singson at ipapala­labas ito sa April 19, Black Saturday, sa mga sinehan.

The movie is directed by Benedict Mique.

At first time ni David na gumanap na pari kaya naman nang malaman niyang siya ang magbibida sa Samahan ng mga Makasalanan, ang tanong niya ay “kaya ko bang maging pari?”

Kinaya niya with flying colors, base sa pinapanood nilang trailer.

Samantala, aware si David na may kilig sa kanila ni Kathryn Bernardo nang rumampa sila sa Bench fashion show last week.

In awe raw siya nang makita ito. “Kaya nung makita ko siya sa Bench fashion show, I was in awe dahil bata pa lang siya ay pinapanood ko na,” aniya sa interview after the presscon.

May birthday message ba siya for Kathryn?

“Happy birthday Kathryn, nakita ko actually ‘yung post niya sa Instagram, wow, like coming from someone na pinapanood ko nung bata pa lang siya, 2014, 19 yata that time, ang galing, ganda,” sabi niya na nakangiti.

Ngiti lang din ang sagot niya kung may kilig ba sa kanila lalo na nung nasa stage na sila ng Bench.

Anyway, isipin ang isang bayan na napakamakasalanan – ang Sto. Kristo – isang bayan na puno ng mga makasalanan.

Enter Deacon Sam, played by Pambansaang Ginoo, who, after being assigned to Sto. Kristo, ay nasa misyon na repormahin ang mga residente nito.

Gamit ang maalab na pananampalataya at ang paniniwalang lahat ay maliligtas sa kasalanan, binuo ni Deacon Sam ang Samahan ng Makasalanan kung saan nilalayon niyang pangu­nahan ang mga taum-bayan sa Sto. Kristo patungo sa landas ng pagtubos.

Habang ang mga residente ay isa-isang nagbabago mula sa kanilang masasamang paraan – mula sa pagiging magnanakaw tungo sa delivery rider, at sa pagiging mahilig sa tsismis hanggang sa mga tagapagbalita - nalaman ng batang diakono ang kanyang sarili na nahaharap sa labanan ng pagtubos at tukso na hindi niya nakitang darating.

Makakasama ni David sa comedica crusade na ito sina Sanya Lopez, Joel Torre, David Shouder, Soliman Cruz, Betong Sumaya, Buboy Villar, Chariz Solomon, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Chanty Videla, Jay Ortega, Christian Singson, Shernan Gaite, Batmanunulat (Jerome Lois Esguerra), Tito Abdul (David Marsyomanais (- Gabriel) Liana Mae, at child star na si Euwenn Mikaell.

Abangan ang Samahan ng mga Makasalanan sa mga sinehan simula Abril 19.

KATHRYN BERNARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with