^

PSN Showbiz

ACTS of Lasciviousness ni Rita kay Archie, umakyat na sa korte

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
ACTS of Lasciviousness ni Rita kay Archie, umakyat na sa korte
Rita Daniela

As of presstime, hindi pa namin nakuha ang buong detalye, pero nakumpirma sa amin ni Atty. Maggie Abraham-Garduque na umakyat sa korte ang reklamong isinampa ni Rita Daniela laban kay Archie Alemania.

Acts of Lasciviousness ang reklamong isinumite ni Rita sa Prosecutor’s Office ng Bacoor noong October. At ngayon lang naibaba ang desisyon na may probable cause raw ito, kaya umakyat na ito sa korte.

Wala pa kaming update kung na-raffle na ang kaso dahil wala pa kaming nakuhang pahayag mula sa kampo ni Rita.

Ngayon lang daw nila natanggap ang mail kaugnay rito.

Sa pagkakaalam namin, bailable ang kasong isinampa sa komed­yante.

Sa amin pang pagtatanong, may P36K daw ang bail na dapat i-post para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sylvia, nakita kung paanong nag-iba ang buhay ni Arjo!

Naintindihan ni Sylvia Sanchez kung bakit naging emotional si Cong. Arjo Atayde sa kanyang State of the District Address (SODA) na ginawa sa SM Skydome noong nakaraang Lunes, March 24.

Ngayon lang ito ginawa ni Cong. Arjo dahil ang gusto raw talaga niya  bago matapos ang kanyang termino bilang Representative ng district 1 ng Quezon City ay mai-report niya ang mga nagawa niya para sa kanyang mga constituent. “Alam n’yo naman si Arjo, tahimik lang siya, tumutulong, pero siya ang gumagalaw.

“Akala ng lahat, wala siyang ginagawa. Nakukuwestiyon siya. Siya ‘yung taga-showbiz na hindi magpasulat. Siya ‘yung galing sa showbiz na hindi nagpapa-showbiz, alam mo ‘yun,” pakli ni Sylvia nang makatsikahan namin pagkatapos ng SODA.

Hindi lang daw talaga napigilan ng kanyang anak na maluha dahil sa rami ng mga dumating doon para sumuporta sa kanya.

Nandun nga ang alkalde ng QC na si Mayor Joy Belmonte, kasama si Vice Mayor Gian Sotto, at nandun din si Mr. RJ Belmonte ng Serbisyo sa Bayan Partylist. “Overwhelmed siya e, ang daming taong nandun. Alam mo ‘yun. Saka matagal na niyang balak na magre-report siya bago matapos ang term niya,” sabi pa ng ina ng aktor / pulitiko.

Bahagi ng talumpati ni Cong. Arjo, “It is my responsibility to report to my constituents. Public service is public trust. Kapag may binoboto kayo, ang binibigay n’yo po ay tiwala. At ang tiwala ay dapat sinusuklian nang tapat, malinaw at totoong serbisyo.

“That is why transparency and accountability must always at the heart of go­vernance. Bilang inyong kinatawan responsibilidad kong ipaalam sa inyo kung ano ang ating nagawa, ano ang ating ginagawa, at ano pa ang a­ting gagawin para sa unang Distrito ng Que­zon City.”

Sabi pa ni Sylvia, ayaw raw talaga ng anak niya na nakalagay ang pangalan niya sa mga project nito sa kanyang distrito. Tama na raw ‘yung logo nitong Aksyon Agad ang nakalagay.

“As a legislator, one of my primary responsibilities is to pass laws that bring real and lasting benefits to the Filipino people. Sa Kongreso, hindi lang tayo gumawa ng batas para masabi tayong pinasa, marami tayong ginawang papel.

“Tinitiyak natin na may direktang epekto ito sa buhay ng bawat Pilipino,” saad nito.

Pati sa entertainment industry ay ibinahagi nitong isa rin siya sa nag-push na maisabatas ang Eddie Garcia Act. “I have worked to ensure that our laws protect workers and consumers strengthening our health care system and safeguards our economy against abuse and exploitation.

“Naisabatas natin ang Eddie Garcia Act. Nagbigay ng ligtas at patas na kondisyon sa trabaho para sa a­ting mga nasa entertainment industry,” sabi pa nito.

Kaya naman isang proud mommy si Sylvia dahil nakita raw niya ang katapatan nitong magsilbi, hindi para mapag-usapan lang.

Ito raw ang isa sa mga pagbabago kay Arjo magmula nang naging pulitiko ito.

“Sobrang happy ako na pinapanood at pinapakinggan ang talumpati niya at napa-proud sa lahat ng mga naging achievements niya.

“Ang nabago pa sa kanya, mas lalo siyang naging selfless at mas lalong nakatuntong ang mga paa sa lupa,” sambit ni Sylvia Sanchez.

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with