Female personality, nagpaulit ng Santacruzan alang-alang sa TV Coverage!
Patapos na ang Marso and then, Abril at Mayo ang kasunod na buwan.
Kapag Mayo, uso ang pabonggahan na naman ng Flores De Mayo at Santacruzan na nagkakapagpaalala sa amin sa isang female personality na sinamba-samba sa showbiz dahil milyonarya!
Pagdating ng Mayo, nag-organize si female personality ng Santacruzan sa village nila. Eh dahil organizer, siyempre, siya ang dapat maging Emperatriz dahil last sa mga sagalang kasali.
Para magkaroon ng TV coverage, may kinakausap na TV staff si female personality para ma-interview sa Santacruzan! Pero kunwari, hindi niya alam na may TV kaya masosorpresa ang drama niya.
Nagsimula ang Santacruzan. Nakaikot na sa village ng female personality. Pero hindi dumating ang TV crew sa oras dahil maraming coverage.
Nang makarating ang TV crew, nagkakainan na sa bahay ni female personality ang lahat ng sagala at involved sa event.
Ang ginawa ni female personality, inulit ang Santacruzan sa pag-ikot at ang drama na kunwari eh hindi niya alam na may TV to interview her!
Success naman ang gusto ni female personality habang tawa nang tawa ang TV staff and crew na nag-interview sa kanya!
Andres, singer na rin!
Pinasok na rin ni Andres Muhlach ang recording!
Naririnig na ngayon sa mga streaming platform ang kanyang bersyon, ang Manila Sound sa isang bagong henerasyon, na originally released in the mid-’70s, Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay Ko.
Sa panahon na ang musikang Tagalog ay nagpupumilit na makilala sa gitna ng dominasyon ng Western music, inaasahang makakatulong si Andres na ipakilala sa bagong henerasyon ang Original Pilipino Music (OPM).
Ang lakas ng dating ngayon ni Andres.
Kasalukuyang bida si Andres sa hit Viva One series na Ang Mutya ng Section E.
Bahagi rin siya ng isang sitcom kasama ang kanyang mga magulang at kambal na kapatid na babae, si Atasha Muhlach, at bahagi rin siya sa official soundtrack nito.
- Latest