^

PSN Showbiz

Kathryn,bumukod na sa pamilya!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Magdadalampu’t siyam na taong gulang na si Kathryn Bernardo sa darating na Miyerkules. Ayon sa aktres ay mayroon siyang kakaibang nararamdaman ngayong nalalapit na ang kanyang kaarawan.

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ng dalaga ngayon. Posible umanong birthday blues o quarter life crisis ang nararanasan ni Kathryn katulad ng nangyayari sa iba.

Matatandaang noong isang taon lamang nakalipat ang buong pamilya ni Kathryn sa bagong bahay. Ngayong taon naman ay nagpasyang bumukod na ang aktres mula sa pamilya. “I’d like to call this my transition stage na feeling ko kasi the next coming years, it’s very, very important. Kasi ‘yon ‘yung magdi-dictate kung saan ako sa future. It’s my way of getting to know myself more and growing. Yes, I’m scared. I don’t know what would happen. I don’t know if I could do it it but I’m just very open and I’m here for growth. So, wish me luck in the coming months,” paliwanag ng dalaga.

Antonio, ‘under’ kay Aya!

Ginagampanan ni Aya Domingo ang karakter ni Barbie sa Mga Batang Riles. Si Antonio Vinzon ang nakatambal ni Aya sa naturang serye ng GMA Network.

Ayon sa aktor ay talagang siya ang pumili sa dalaga upang makapareha sa serye. “Sinabi ko si Aya kasi parang boyish siya. Lalaki siyang gumalaw kaya pasok sa role niya. Sa Aya ‘yung mas nakaka-vibe ko rin kasi kaibigan ko talaga siya. Nag-suggest ako,” kwento ni Antonio.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng katambal ang Kapuso actor. Naging malapit na umano sa isa’t isa sina Antonio at Aya dahil sa trabaho. “Ang masasabi ko lang is first time lang namin pero grabe ‘yung energy naming dalawa. Kasi naging kaibigan ko rin po siya sa Sparkle teens. Ka-batch ko po siya sa Sparkle teens,” giit ng binata.

Ayon kay Antonio ay dapat pakaabangan ng mga manonood ang kanilang mga eksenang ginawa ni Aya sa serye.  (Reports from JCC)

AYA

KATHRYN BERNARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with