Kaso ni Darry Yap, may trial na
Nakapag-post na ng bail ang kampo ni direk Darryl Yap pagkatapos na i-issue ang warrant of arrest mula sa Presiding Judge Myra Quiambao ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 203.
Two counts of Cyber Libel ang umakyat sa korte ng isinampang reklamo ni Vic Sotto laban sa kontrobersyal na direktor, na paglabag sa Articles 353 at 355 ng Revised Penal Code kaugnay ng Republic Act No. 10175, o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Halagang P10 ang bawat count, kaya P20K ang ipinost nito.
Nakuha namin ang Order mula sa Muntinlupa RTC Branch 203 na kung saan nakasaad doon na nung araw na ibinaba ang arrest warrant ay nakapag-post agad ito ng P20K pesos. Kaya nakuha ni direk Darryl Yap ang pansamantalang kalayaan. “The E-Warrant of Arrest issued against said accused on March 19, 2025 is hereby RECALLED and SET ASIDE.”
Ang arraignment kay direk Darryl Yap at ang pre-trial conference nito ay nakatakda sa Martes, March 26, ng 8:30 ng umaga.
Sinagtala, pulos kantahan
Suportado ng mga Sparkle artist ang premiere night ng pelikulang Sinagtala, na ginanap sa Cinema 3 ng SM Megamall noong Huwebes ng gabi.
Ilan sa mga maagang dumating ay sina Yasser Marta, Tanya Ramos, at sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.
Pero siyempre ang all-out na sumuporta roon ay si Julie Anne San Jose na dumating kasama si Rodjun Cruz at ang tiyuhin ng magkapatid na Cruz.
Habang nasa red carpet si Rayver ay tuwang-tuwa si Julie na kinukunan niya ito ng video. Humalik at mahigpit na nagyakap ang magkasintahan.
Humalik din si Rhian Ramos kay Cong. Sam Verzosa na nandun din para suportahan ang girlfriend.
Nangako na nga si Cong. Sam na magpa-block screening siya sa mga sinehan sa Maynila pagka-showing nito sa April 2.
Siyempre, dumating din doon ang asawa ni Glaiza de Castro na si David Rainey kasama ang kapatid ng aktres na si Alchris Galura.
Marunong na palang mag-Tagalog si David at kahit tinatanong mo siya ng Tagalog, naiintindihan na niya ito.
Si Matt Lozano ay suportado ng pamilya, na sabi nga ng Kapuso actor tiyak na maiiyak daw ang Mama niyang si Elaine Carriedo-Lozano dahil alam niyang matagal na niyang pangarap na magkapelikulang pagbibidahan.
Ang bongga rin ng fans ni Arci Muñoz na dumagsa roon sa SM Megamall.
Nagustuhan namin ang pelikula lalo na ang mga kanta nila rito.
Pinakagusto namin ang original English songs kagaya ng Dear Love at Rise Above.
‘Yun nga ang isa sa ipinagmamalaki ng direktor nitong si Mike Sandejas, na para sa kanya bukod sa magaling niyang cast ay maganda ang musical soundtrack dito sa Sinagtala.
Kampante siyang may word of mouth kapag mapanood na ito sa first day of showing.
Agree kami sa sinabi ni Atty. Annette Gozon-Valdes na ang pelikulang ito na magso-showing sa April 2 ay paghahanda na rin sa pagharap natin sa Semana Santa. Dagdag na pahayag ni Rhian, “Feeling ko ‘yung nararamdaman ko sa movie na to, it’s divinely timed na ‘yung timing is something na makakatulong din sa movie that will help us get more views. Kasi, I believe April 2 papunta pa lang sa Holy Week.
“But I think it is the time of year where we, as Filipinos are… since we are a Catholic Christian country, we’re all ano e, looking for our connection, we want to feel more connected spiritually. We go through extra lengths, we go to church, we pray with our family, we fast.”
- Latest