^

PSN Showbiz

Tom, kasal na ulit?!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Tom, kasal na ulit?!
Tom Rodriguez at anak

Pinag-uusapan kung wedding band ba ang suot ni Tom Rodriguez sa photo na karga nito ang kanyang baby boy. Dahil hindi pa ipinakita ang mukha ng baby, na-focus ang attention ng mga netizens sa suot na sing­sing ng aktor na Kitang-kita  dahil nakatagilid ang actor kaya exposed, kasama ang braso at kamay.

Ang tingin ng mga netizens, wedding band ang suot ni Tom at ang tanong ay kung ikinasal na ang aktor sa nanay ng kanyang baby boy? Sa photo, makikita rin ang tuwa ni nito habang karga ang baby na kahit nakatagilid, alam mong nakangiti sa ama niya.

Nakasulat sa photo posted ni Tom with his son ang “Still in a thanksgiving mood...” at sa baba, “Happy to be home #grateful.”

Masaya para kay Tom ang mga comment ng mga netizens.

Ang sunod na hinihintay ng mga netizens at fans ni Tom ay ang ipakita niya ang face ng kanyang baby at ipakilala na rin ang mom nito. Kung tama ang paniwala ng mga fans na kasal na sila, sana ipakilala na raw ng actor ang kanyang wife.

Dumalo pala si Tom sa Thanksgiving Party ng GMA for its advertisers at 75th celebration na rin ng network. Nagkaroon siya ng chance to interact with other Kapuso stars na ang karamihan, matagal niyang hindi nakita.

Max, binitbit ang anak sa salon

Isinama ni Max Collins ang anak na si Skye sa salon at kuwento nito, mas nag-enjoy sa kanya ang anak. Tuwang-tuwa ang bagets nang i-shampoo ang buhok at gupitan. Naka-smile throught si Skye at pagkatapos, ipinagyabang sa ina ang kanyang bagong shampoo at bagong gupit na buhok.

Nag-comment si Pancho Magno sa post ni Max patungkol sa anak nila at kahit heart at laughing emojis lang na sinagot ni Max ng emojis ng three red hearts, natuwa ang followers ni Max. Ang ganda raw ng relasyon ng dalawa kahit ex-couple na sila.

Samantala, dumalo pala si Max sa Milan Fashion Show at Paris Fashion Show at sa isang post, nag-comment si Heart ng “Go Max!!!” na parang tsini-cheer dahil kumpara sa kanya, newbie sa fashion week ang mama ni Skye. Sagot ni Max, “I love  you so much.”

Sa mga susunod na fashion week, ang wish ng fans nina Heart at Max, magkasama sila sa pagdalo sa mga fashion show, magkaroon ng photos together. Sana rin daw, magkasama silang mag-shopping o kahit mamasyal lang.

Isabelle, sinagot ang Bintang na ozempic beauty

Pati ang pagpayat ni Isabelle Daza inakalang dahil sa Ozempic at pinag-usapan pa sa Reddit at ang title ng thread ay “Belle Daza’s Diet.” Pinagdebatehan kung ang kanyang pagpayat ay dahil sa diet at workout o dahil sa Ozempic.

In fairness, ipinagtanggol si Isabelle ng dalawang netizens. Tanong ng isa, hindi raw puwedeng dahil sa pagda-diet kaya pumayat si Isabelle? Sabi naman ng isa, hindi Ozempic ang pagpayat ni Isabelle kundi ang active lifestyle niya.

Pinost ni Isabelle sa Instagram ang screenshot ng usapan sa Reddit at nag-comment ng “I’ve reached my goal weight= Ozempic accusations.”

Birong comment ni Kim Atienza, “You are an Ozempian” at may nagbiro pa at humingi ng Ozempic kay Isabelle.

 

TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->