^

PSN Showbiz

Julia, Sam, at cast ng four bad boys and me nagpasaya sa Iloilo

Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Julia, Sam, at cast ng four bad boys and me nagpasaya sa Iloilo

MANILA, Philippines — Sing-init ng panahon ang naging pagtanggap ng libu-libong mga Ilonggo sa Kapamilya stars na bumisita sa Passi City, Iloilo, sa pangunguna nina Julia Montes at Sam Milby, para sa Bida Kapamilya noong Linggo (Marso 16).

Kasabay ng pagdiriwang para sa Pintados Festival, naghatid ng saya at pasasalamat sa mga naghihiyawang Passinhon at Ilonggo ang cast ng Saving Grace: The Untold Story, kung saan naghandog ng mga madamdaming awitin sina Julia, Sam, Christian Bables, PJ Endrinal, at Majoy Apostol.

Nagpatikim naman ng kanilang umaapaw na chemistry ang cast ng inaabangang digital movie na The Four Bad Boys and Me, isang adaptation ng sikat na Wattpad novel, matapos ang nakakakilig na performances nina Anji Salvacion, BGYO Gelo, Dustine Mayores, at Harvey Bautista.

Samantala, hitik din sa saya ang mga dumalo matapos ang pasabog na mga performance mula kina Pinoy Big Brother Gen 11 Big 4 na si Kolette Madelo, ASAP singer na si JM Yosures, at ang host ng Time to Dance na si Gela Atayde.

Bukod sa masasayang performances, nakapag-enjoy din ang mga dumalo sa iba’t ibang libreng Bida Kapamilya booths tulad ng ice cream  na Ice Shaving Grace at iced coffee at chocolate ng Iced Drinkcognito, kabilang din ang libreng gupit mula sa Gupitan ni Tanggol at pagkakataong maka-duet ang ASAP Champion na si JM Yosures sa Bidaoke Champions booth.

Abangan kung saan naman susunod na pupunta ang Bida Kapamilya sa kanilang patuloy na pag-iikot sa iba’t ibang parte ng bansa para maghatid ng saya sa mga Kapamilya.

Tutukan ang Saving Grace: The Untold Story weeknights ng 9:30 PM) at  ASAP (kada Linggo ng 12NN) sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

JULIA MONTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with