Columbia Business School students, muling bumisita sa ABS-CBN

Muling bumisita ang mga estudyante mula sa Columbia Business School sa Amerika sa ABS-CBN.
Sa kanilang pagbisita, natutunan ng mga mag-aaral ang iba’t ibang pagbabago sa ABS-CBN tulad ng pagiging global storytelling company nito mula sa pagiging broadcasting network.
Sa pangunguna ng kanilang guro na si Prof. Medini Singh, nakilahok ang graduate students sa makabuluhang diskusyon kasama sina ABS-CBN Transformation and Innovation head Mark Nepomuceno, Integrated News and Current Affairs head Francis Toral, at Corporate Communications head Kane Errol Choa kung saan tinalakay nila ang mga pagbabagong ginawa ng kumpanya at kung paano nito hinarap ang mga hamon na dala ng broadcast shutdown nito noong 2020.
Nilibot ng mga estudyante ang headquarters ng ABS-CBN, kabilang ang studio ng TV Patrol, at nanood ng live show ng It’s Showtime.
- Latest