JK, nakipaglamay sa fan na namatay sa sunog

Nakaka-touch naman ang ginawa ni JK Labajo sa kanyang nasawing fan sa Laguna.
Nag-alay siya ng kantang Through The Years na paborito raw ng estudyante na beauty queen din nang malaman niya ang pagkamatay nito sa sunog sa isang universidad sa Laguna.
Nakatakda raw sana itong pumunta sa concert niya sa Anilag Festival pero hindi nga ito nakaligtas sa naganap na sunog.
Pagkatapos daw ng concert ay nangako si JK na dadaan sa lamay nito at nag-iwan siya ng autograph sa pumanaw na fan.
Kahanga-hanga na ang ganda ng ginawa ng singer na tuparin ang matagal na pangarap ng fan niya.
Napasaya rin niya ang pamilya nito na maibigay ang matagal nang hiling nito kahit wala na siya.
Kaya talagang patuloy siyang minamahal ng fans niya dahil sa mabuti niyang puso.
Bongga ka, JK.
Alden, ‘di dapat i-pressure sa lovelife
Gusto kong mag-super thank you kay Alden Richards at personal assistant niyang si Mama Tenten dahil sa health ayuda na pinadala nila.
Talagang ever since ‘yung kabaitan ni Alden ay hindi nawala. Hindi siya nakakalimot at laging maasahan lalo pa nga at mahusay na tagapag-alala niya si mama Tenten.
Kahit ano pang sabihin ng iba, wala kaming nakitang ipinagbago si Alden, mabait, magalang, marespeto kahit kailan.
Kahit sinong babae napakasuwerte na magustuhan ni Alden. Pero huwag natin siyang i-pressure.
Hintayin natin kung sino ang magugustuhan niya. Kung sino ang nakatakda para sa kanya.
Hindi kailangan lahat ng tao ay may kapareha. Dapat ‘pag gusto lang nila iyon ang piliin.
Kung sino ang nakatakda, iyon lang dapat. Hindi maganda ang pilitan. Hindi bongga.
- Latest