^

PSN Showbiz

Esnyr, kinaiinggitan sa PBB

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Esnyr, kinaiinggitan sa PBB
Esnyr

Patuloy naming sinusubaybayan ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab sa GMA 7.

Nakikita sa Facebook kung sino ang pinakagusto ng mga netizen, na karamihan ay  mga housemate na boys.

Marami ang natutuwa kina River Joseph, Josh Ford, Michael Sager at Dustin Yu.

Natutuwa sila sa closeness nina Brent Manalo at Esnyr na “mahal” pa ang tawagan nila.

Malamang kinaiinggitan ng mga kabadingang napapaligiran ng mga naggaguwapuhang housemates ang baklitang Esnyr.

Sa mga Kapuso housemate, lumulutang si Dustin dahil sa tumingkad ang kakisigan nito. Crush pa siya ng ibang girls na housemates at na-open pa ni AZ Martinez na napanaginipan pa niya ang tsinitong Kapuso actor.

Kahit si Ivana Alawi ay inaming kay Dustin siya nagaguwapuhan.

Natutukso pa silang dalawa, at may dalang kilig-kiligan.

Kung nagtagal-tagal pa sa Bahay ni Kuya si Ivana, baka magka-loveteam pa sila ni Dustin.

Naglilikha na ng ingay ang iba pang housemates at naiintriga na ang ilan sa kanila.

Nagsimula nang pinag-usapan ang sex video ng isang aktor na isa rin sa kinakikiligang housemate sa Bahay ni Kuya.

May mga pahapyaw na nga ang iba kung ano ang ginawa ni aktor sa video na ‘yun. Pero ang sabi ng iba, “reggie” raw ang napanood nila sa sex video na ‘yun.

May nangangamoy na ring intriga kina AZ Martinez at sa boyfriend niyang si Larkin Castor na naikukuwento na ng magandang aktres ang isyu nilang magkasintahan kay Ivana Alawi.

Kamakailan lang ay meron pa silang chemistry test na kung saan ay tumanggi si Dustin Yu na magpa-test kay AZ, bilang respeto na lang at Bro Code nila ni Larkin. Kaya nag-thank you si Larkin kay Dustin na ipinost sa kanyang X account.

Post ni Larkin, “Love you bro, biggest respects to you. Appreciate you (pray emoji).”

Interesting ang mga kadramahan sa Bahay Ni Kuya, pero hindi pa ganun kabongga ang ratings.

Pero tila malakas ito sa online dahil talagang pinag-uusapan siya ng karamihan sa mga netizen.

Noong nakaraang Sabado ay naka-7 percent ito, nung Linggo ay 6.2 percent at nung Lunes at pagkatapos pa ng My Ilonggo Girl pa mapapanood, naka-4.7 percent ito.

Arnel, malaki ang kontribusyon sa pelikula ng mga bading na OFW

Nakakaaliw ang story conference sa Max’s Restaurant kahapon ng bagong film project na pinamagatang Jackstone 5, ang maiden offering ng bagong film production na Royal Star Media Production Philippines, Inc.

Kuwento ng limang senior citizens na OFW na bading na gagampanan nina Eric Quizon, Arnelli Ignacio, Gardo Versoza, Jim Pebanco at direk Joel Lamangan.

Si direk Joel Lamangan ang direktor din nito, pero kinumbinsi siyang maging artista at ngayon lang daw siya aarte sa pelikulang siya rin ang magdidirek.

Bentang-benta kasi ang karakter niya bilang si Roda sa Ang Batang Quiapo at kilalang-kilala niya sa karakter na ito.

Pinilit daw siya ng line producer nila talagang mag-artista dito.  “Napilit ako ni Dennis (Evangelista). Naisip ko rin ‘yung pera,” masayang tsika ni direk Joel Lamangan.

“Mas higit pa ‘yun dapat kay Roda. ‘Yun ang challenge sa akin,” sabi pa ni direk, dahil ibang-iba raw ito sa ginagawa niya sa Batang Quiapo bilang si Roda.

Malaki ang kontribusyon ni Arnel Ignacio sa pelikulang ito dahil mga OFW ang role na bumalik na sa bansa. Magsisilbing consul­tant daw sila rito at malaki ang magagawa ng OWWA na maikot nila ang pelikulang ito sa ibang bansa kung saan marami tayong mga kababayang nagtatrabaho roon.

Ngayon lang uli babalik sa pag-arte si Arnel at excited siya dahil sobrang na-miss daw niya ang entertainment industry.

“Talaga namang nami-miss ko ang buhay ko sa entertainment scene. Plus nami-miss ko na ring makikita ‘yung mga movie writers.

“Generally, nami-miss ko ang buong mundo ng showbiz,” sabi pa ni Arnel Ignacio.

‘Yun daw ang kontribusyon nila sa pelikulang ito, pero wala raw financial aspect na manggagaling sa OWWA.

Tiniyak niyang, wala itong conflict sa trabaho niya bilang OWWA Administrator.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->