^

PSN Showbiz

Bong, mabilis ang bwelta sa fake news

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Bong, mabilis ang bwelta sa fake news
Sen. Bong Revilla

Inalmahan ni Sen. Bong Revilla ang kumalat na fake news na may sinabi diumano ang senador na ibabalik niya sa Mindanao ang mga Muslim. Kung kailan nga naman nasa gitna siya ng kampanya, saka pa lumabas ang balita na ayaw niya sa mga Kapatid nating Muslim.

Pinost niya sa kanyang Facebook page ang diumano’y pahayag niyang “Ang hirap sa mga Muslim, dinadala nila ang pamimirata sa Maynila. Pag nakabalik ako sa Senado, ibabalik ko rin silang lahat sa Mindanao.”

Depensa niya, “Mahal ko ang mga kapatid nating Muslim. Tama na ang fake news.”

Maganda na agad sinagot at nilinaw niya ang isyu dahil may mga Muslim pala na nagalit sa kanya. Idol pa naman daw siya ng mara­ming Muslim, tapos makakabasa ng fake news, aba’y magagalit nga sila at may na-high blood pa.

Pero, marami ang hindi naniwala na sasabihin niya ‘yun.

Ang payo nila, kasuhan niya ang mga nagpapakalat ng tsismis, kaya lang, ‘wag muna ngayon.

Ituloy muna niya ang pangangampanya at marami ang sumusuporta sa kanya. Kahit saan magpunta ang senador, dinudumog ng tao at nakapunta na pala siya sa Ormoc City. Sinalubong at sinamahan siya nina Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez at Cong. Richard Gomez sa pag-ikot sa nasabing siyudad.

Kapamilya at kapuso housemates, naglalaglagan na!

Nagkakalaglagan na ang Kapamilya at Kapuso housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Sa isang episode na kausap ni AC Bonifacio ang kapwa Kapamilya housemate, ginawa nilang isyu ang hindi raw pagiging close ng Kapuso stars.

Hindi raw friends ang mga Kapuso housemate na kasama nila sa Bahay ni Kuya. Hindi nagbebeso kapag nagkikita at noong sunduan ng mga housemate, hindi rin masaya at excited ang mga ito. Hindi raw katulad nilang Kapamilya housemates na close sa isa’t isa, nagkukuwentuhan, nagbebeso.

Silang Kapamilya raw, laging nagkikita sa hallway at nagkukuwentuhan. Sa kuwentuhan ng Kapuso na narinig niya, hindi raw sila nagpapansinan ‘pag nagkikita.

Nakakatuwa ang sagot ng Kapuso fans na kaya hindi nagkikita-kita ang mga Kapuso dahil busy sa work at kaya wala sa GMA Network. Pero, magiging isyu ito kapag nagkataon.

Ara, gagayahin si ate Vi!

Nalungkot si Ara Mina na hindi na naabutan ng loyal friend at PRO niyang si Leo Bukas ang pagpasok niya sa pulitika. Sigurado siyang magiging aligaga si Leo sa pangangampanya para manalo siyang konsehal sa 2nd district ng Pasig City.

Naikuwento ni Ara si Leo kay Sarah Discaya, ang mayoralty candidate ng nasabing siyudad na kapartido ni Ara at sa ilalim ng party nito siya tumatakbong konsehal.

Ang makatulong, hindi lang sa mga PWD, kundi sa lahat ng mga nangangailangan ang isa sa mga rason kung bakit tatakbong konsehal si Ara kung saan nga PWD si Leo.

“Humihingi na rin ako ng tulong sa mga politician at mga taong may kakayahan, sumusulat ako sa kanila. Hindi nga lang mabilis ang kanilang sagot, kaya naniniwala akong mas pakikinggan tayo kapag nahalal tayong konsehal,” sabi niya.

Nabanggit niya na kapag nanalo siya, magpu-focus siya sa pagiging public servant, at ibig sabihin nito, magse-semi-retire siya sa showbiz.

“Gaya ni ate Vi (Vilma Santos), nag-focus siya sa pagiging public servant at gumagawa lang ng pelikula kapag libre siya. Gan’un ang gagawin natin. Tatapusin ko lang ang commitment ko (isang pelikula) at focus na tayo sa pagiging public servant,” dagdag niya.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with