^

PSN Showbiz

Security ni VP Sarah sa Netherlands, hinaharot ng netizens!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Huwag na lang talagang pansinin ang kanegahan at mga toxic na bashers sa social media. Mas magandang sa positibo at nakakaaliw na posts ang pansinin natin ‘di ba?

Sa gitna nang pagsubaybay sa kalagayan ng dating pangulong Rodrigo Ruterte sa The Hague, Netherlands, nagawa pang makipagharutan sa ilang magagandang taong napapansin natin.

Pansing-pansin ang close in security ng Vice President Sara Duterte na pinsan niya pala; si Lt. Raven Snapper.

Ang sabi sa Facebook, si Lt. Raven Snapper ay isang Philippine Navy Officer, mula sa Cordillera Administrative Region, Luzon. He is the youngest among three siblings who are all Navy Officers.

Nag-graduate na top sa kanyang class mula PMA-Sinag-Lahi ng batch 2015.

Siya ang palaging kasama ng Bise Presidente sa lahat ng mga pinupuntahan niya, at kasama niya sa ito sa Netherlands.

Kitang-kita siya sa likod ni VP Sara, at kapansin-pansin ang kaguwapuhan ng tsinitong security ng ating bise presidente.

Kaya bukod sa mga nagko-comment para sa dating pangulo at kay VP Sara, meron ding mga nagko-comment nang mahaharot na mensahe para kay Lt. Raven Snapper.

Kaya malamang na magiging celebrity na rin ito kapag sumikat na ito sa social media.

At least, kahit paano napapagaan ang bigat ng mga ganitong balita.

------------------------------

Rhian, nagsalita sa 'Kontrata' kay Sam!

Hanggang kahapon ay may mga nagtatanong pa rin sa akin nang paburol ng Frontrow, kung saan may kabaong pa sila para sa produkto nilang Luxxe White dahil sa inilunsad na nila ang mga bago nilang produkto na mas malakas pa sa naunang binebenta ng naturang kumpanya.

Obviously, ideya ito ng isa sa executives ng Frontrow na si RS Francisco.

Bilang taga-entablado siya at isang aktor, talagang kinarir niya ang akting, at consistent siya sa pag-arteng pagdadalamhati sa pagkawala ng Luxxe White.

Ilang araw nilang ipino-post ang burol sa naturang produkto na nakatulong sa benta ng kanilang produkto. “Inubos na nila lahat…’yung sales namin 3 days, 4 days lalong tumaas,” pakli ng isa sa may-ari na si Richmond Yu.

May iba pang nagkakalat na magsara na raw ang Frontrow, hindi na  lang daw nila pinansin. “Dun sa mga iba na sinasabing magsasara na or nagda-down sa amin, well, although sanay na kami dun. Actually hindi na namin sila napansin. Mas focused sa ginagawa naming na paparating.

“‘Yung ang laging tinuturo namin sa mga tao namin. Hindi mo kailangang tumingin dun sa negative. Kasi meron ka namang choice tumingin dun sa positive, bago ka tumingin sa negative, ‘di ba?

“So, yung negative nun sasakit yung loob mo, hindi ka makatulog, tatanda ka. Pero sa positive, matutulog ka di ba?”

Inilunsad na nga nila ang mga bago nilang produkto na Luxxe White Ultima, Luxxe White Slim, Luxxe White Renew at Luxxe White Protect.

Pasabog ang paglunsad nila sa dalawang bagong endorsers nito na sina Rhian Ramos at Michelle Marquez Dee.

Napag-usapan nga roon na tiyak na hindi sila nahirapang kunin ang dalawa dahil alam naman natin ang namamagitan kina Rhian at Cong. Sam Versoza, at close din sila kay Michelle na ang production team pa nito ang gumawa ng ad.

Since nasa plano naman talaga nina Cong. Sam at Rhian ang magpakasal, tinanong na rin namin si Rhian kung nakikita na rin ba niya ang sariling mapabilang sa mga executive ng Frontrow.

Posibleng siya na nga kaya ang isa sa hahawak nito sa mga darating na taon? “Hindi ko naman kailangang umupo sa side na yan ng stage anymore. Kasi, honestly all of my ideas, or Sam’s ideas also ahhh, I tell him naman whenever I think something or if I have any new suggestion or anything like that.

“Ahhh, and ayun thank you also, because he also empowers me to speak my mind and consider my thoughts also.

“So ayun, kahit parang hindi naman ako magiging part ng executives, my mind is there also,” saad ni Rhian.

Siyempre kung may napirmahan na siyang kontrata bilang endorser ng Luxxe White Ultima, iba siyempre yung inaabangang kontratang pipirmahan nilang dalawa. “Yes! I read them all, especially that one. They say it’s no more important contract than that naman,” napangiting pakli ng Kapuso actress.

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad