^

PSN Showbiz

KZ, may regalong ‘numbers’ sa kababaihan

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
KZ, may regalong �numbers� sa kababaihan
KZ Tandingan

Isang espesyal na musika ang inilabas ni KZ Tandingan sa pagdiriwang ng Women’s Month.

Pinamagatang Numbers, nagsisilbing paalala ang bagong kanta na kalimutan ang mga numero na nakakadagdag pressure sa kababaihan.

“As we celebrate Women’s Month, let’s forget about the numbers that pressure women. Remember, you are worthy of love, no matter your insecurities,” ani KZ sa Instagram.

Sa isa pang post ng Kapamilya artist na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Marso 11, ang awitin ang birthday gift niya para sa kapwa babae.

“This is my birthday gift to all the incredible women out there,” sabi niya.

Isinulat at iprinodyus ni KZ ang kanta na inareglo ni Theo Mortel, habang si Timothy Recla naman ang nag-mix at master nito. Inilunsad ang awitin sa ilalim ng Star Music.

Sinusundan ng Numbers ang Valentine’s offering ni KZ na Nagmamahal Lang Ako. Nakatakda na rin niyang ilunsad ang pinakahihintay na Soul Supremacy II album sa nalalapit na panahon.

Napapakinggan na ito sa iba’t ibang music streaming platforms (https://orcd.co/numbers-kztandingan).

Samantala sa Hawaii, nag-celebrate ng birthday si KZ kasama ang mister na si TJ Monterde. Aniya pa sa post: “Thank you Lord for today and for the amazing people i spent it with. Thank you din sa lahat ng mga bumati! Appreciate you all so much

“Special shoutout to my husband @tjmusicmonterde i love you.”

KZ TANDINGAN

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->