Sina Carlo Katigbak ng ABS-CBN at Atty. Annette Gozon-Valdes ng GMA Pictures ang tumanggap ng award ng Hello, Love, Again na ni-recognize ang P1.6B box-office gross sa Manila International Film Festival (MIFF). First Philippine movie ito na ganu’n kalaki ang kinita, kaya nararapat na mabigyan ng award.
Nanghinayang ang fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na wala sila sa MIFF, maganda raw sana kung kasama sila sa mga tumanggap ng award para sa pinagtambalan nilang pelikula.
Ang original plan lilipad pa-Los Angeles, California sina Alden at Kathryn to attend the MIFF at para sa screening ng HLA. Hindi lang natuloy dahil nabago ang date ng MIFF dahil sa sunog sa LA.
Tanong tuloy ng KathDen fans, kailan uli nila makikita na magkasama ang dalawa?
Ivana Alawi, choosy
Maganda ang sagot at paniniwala na rin ni Ivana Alawi sa pag-eendorso ng politician, kaya kahit marami ang lumapit sa kanya para magpaendorso, deadma siya. Wala siyang tinatanggap kahit pa raw kaibigan niya ang politician na lumalapit sa kanya para magpatulong.
“Pero, napakaarte ko at napaka-choosy ko pagdating sa pulitiko,” paunang sabi ni Ivana sa thanksgiving party niya para sa entertainment media na ginawa sa Vinta Modern Cantina, sa Tomas Morato, Quezon City.
“Hindi naman ‘yan para sa akin o ikagaganda ko o para sa pamilya ko. Ito ay para sa Pilipinas, para sa mga kababayan natin. Ano ‘yung makakapagpaganda sa bansa natin,” dagdag niya.
“Kasi, kung pera, ‘di sana lahat kinuha ko, e, ‘di ang yaman-yaman ko na. Hindi, e, hindi siya sa pera. It’s what do you believe in and who do you think will make the country a better place,” patuloy pa niya.
Para sa mga pulitiko ang sinabi ni Ivana na, “Sa mga senator, congressman, napaka-choosy ko kasi baka gusto lang niya umupo para sa sarili niya hindi naman para sa ating mga kababayan.”
Sabi pa niya, wala siyang alam sa pulitika, pero alam niya kung paano mamili ng tamang lider. Pinag-aaralan din niya kung anong mga batas ang natutupad sa mga ipinangako siguro habang nangangampanya pa lang.
Pero, may exemption siya, isang party-list ang kanyang sinusuportahan dahil naniniwala siya sa layunin nito. Mga mamamayan na talagang nangangailangan ng tulong ang tutulungan, kaya siya mismo ang nag-reach out sa kanila.
Samantala, pinaaabangan niya ang gagawin niyang teleserye at pelikula this year. Excited siya sa gagawing upcoming projects na bawal pang ipaalam.
Ex-housemate, gustong bumalik sa bahay ni kuya!
Bago mapanood sina Darren Espanto at Julie Anne San Jose sa pilot ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sa 6:15 p.m., sa GMA 7 na kakantahin ang theme song na Sikat ang Pinoy, mauunang mapanood si Darren sa All-Out Sundays.
Kakantahin din nila ang theme song ng PBB sa AOS, kaya abangan. First time na maririnig ang theme song ng PBB na sabi ni Darren, binigyan ng mas modern na areglo. Iba sa areglo ng version nina Toni Gonzaga at Sam Milby na original singers ng theme song.
Guest din sa AOS this Sunday ang Big 4 ng PBB Gen na sina Sofia “Fyang” Smith na big winner, Rain Celmar, Kolette Madelo, at Kai Montinola. First time na maggi-guest ang apat at magandang abangan ang magiging interaction nila sa Kapuso talents na mainstay ng AOS.
May nabasa kaming comment ng isang past housemate ng PBB at wish nitong makapag-guest silang former housemates sa PBB Celebrity Collab Edition. Gusto niyang mapanood sa GMA 7, kung saan airing ang show at siguro naman, pagbibigyan siya at ibang former housemates na gusto ring mag-guest.