Mathon bongga ang career...incognito at sosyal climbers ng ABS-CBN studios, nangunguna sa Netflix PH

Maris Racal at Anthony Jennings

Lubos na tinatangkilik ng viewers ang parehas na pinag-uusapan at trending na ABS-CBN Studios produced action-drama serye na Incognito at pelikulang Sosyal Climbers kaya naman hawak nila ang magkaparehas na top spot sa listahan ng Netflix Philippines.

In all fairness, simula ng ipalabas ang Incognito noong Enero 17, labis na tinutukan ng manonood ang kwento ng Kontraks na sina Jose (Richard Gutierrez), Greg (Ian Veneracion), Miguel (Baron Geisler), Gab (Maris Racal), Tomas (Anthony Jennings), Max (Kaila Estrada), at Andres (Daniel Padilla) kaya naman nangunguna sila sa listahan ng most watched series.

Naabot din nito ang all-time high viewership nito na may 997,260 peak concurrent viewers noong Pebrero 21.

Sa kasalukuyan nga ay nagtutulungan ang kontraks sa kanilang bagong misyon na sagipin at i-rescue ang hostages mula sa lider ng kulto na si Muñoz (Robert Seña).

Kasabay ng tagumpay ng Incognito ay ang pag-angat din sa number one spot ng Top 10 Movies ng Netflix PH ng kauna-unahang pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN Studios at Netflix Original sa film na Sosyal Clim­bers. Pinagbibidahan ito nina Maris at Anthony kasama sina Carmi Martin, Ricky Davao, Shanaia Gomez, Cheska Iñigo, at Marissa Sanchez.

Aniya, “‘Yun namang nangyari sa buhay ko, ‘yung hirap na dinanas sa buhay ko… actually bahagi siya e. Kung hindi ko ‘yun pinagdaanan, hindi mangyayari itong panahong ito. So, talagang iginuhit siya ng panahon ng tadhana. Kaya kung babalikan ko, wala naman ako gustong i-correct sa buhay ko. ‘Yun kasi ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na magpatuloy.

“Saka ‘yung closeness ko sa Panginoon na kahit bata ako, nagdarasal ako everyday, umaga, tanghali, gabi lalo na ‘pag galing ako sa school hindi ko nakakalimot magdasal sa Panginoon. At the back of my mind nung kabataan ko sinabi Niya sa akin, basta mabuti ka sa kapwa mo at mahalin mo ang pamilya mo, magulang mo, ibe-bless kita.

“So, that time parang may tinig na naririnig ko na natutulog lang ako sa papag ko na meron akong kulambo na puro surot ang paligid. Pati ang papag ko puro surot.

“So, parang napaka-imposible mangyari mabago ang isang buhay na ganung klaseng buhay na dinaanan ko. Kaya ‘yung iniisip kong babalikan o babaguhin ay siguro dapat talagang daanan ‘yung prosesong ‘yun dahil hindi mangyayari ito kung hindi ko siya dadaanan.”

Sa direksyon ni Jason Paul Laxamana, ang pelikula ay umiikot sa buhay nina Ray (Anthony) at Jessa (Maris), isang magkasintahang gipit sa pera na nagkunwaring mayayaman upang makapasok at makapanloko sa alta sociedad.

Sa pamamayagpag ng Incognito at Sosyal Climbers, labis na pinuri ng netizens sina Maris at Anthony na parehas tampok sa palabas dahil sa galing nila sa pagportray ng kanilang roles at sa kanilang undeniable na chemistry.

Napapanood sina Maris at Anthony sa Incognito gabi-gabi tuwing 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page. Maaaring mapanood ito nang mas maaga sa Netflix at iWantTFC.

Panoorin rin nakakatuwang romansa nina Maris at Anthony sa Sosyal Climbers, na eksklusibong mapapanood sa Netflix Philippines.

Show comments