Tagos ang kilig ng fans sa pabulaklak ni Paulo Avelino kay Kim Chiu noong Valentine’s Day lalo na at ang cute ng message ni Kim nung i-post niya ito. “Sa legal papers ko lang nakikita totoong pangalan ko. Muntik ko na makalimutan sino si Kimberly! ako pala ‘yun.!’
“Happy Valentine’s everyone.”
Kaya naman mas nae-excite ang fans dahil malapit nang ipalabas ang kanilang first movie teamup na My Love Will Make You Disappear, sa March 26.
Actually, ang sipag nang mag-promote ni Kim ng nasabing pelikula nila ni Paulo na ang pakiramdam talaga ng fans ay hindi na lang pang-camera ang relasyon nila, sila na talaga.