Mga nag-date sa Valentine’s, mas pinili ang concert kesa sine

Karaniwan, ang Valentine’s Day ay isang big box-office day dahil ang pa­nonood ng pelikula ang pinakamurang date na puwedeng puntahan ng magkasintahan.

Pero bakit parang sa concert, teatro at live shows pumunta ang mga tao? Ang da­ming sinehan ng Marvin Agustin-Jolina Magdangal comeback movie na Ex Ex Lovers na umabot yata sa 190+ cinemas nationwide pero waley.

Merong initiatives na magpa-block screening lalo na ang mga kaibigan nila – pero bakit sinasabing flop pa rin ito?

Kahit anong sipag nila sa pagpo-promote ha. At co-producers din ng pelikula pala sina Marvin at Jolina.

Sayang kasi touching at heart-warming ang ilang eksena lalo na sa dulo, pero parang hindi natatawa ang mga tao sa mara­ming jokes at pagpapa-cute nila, plus medyo OA at caricature rin kasi ang atake nila sa roles nila. Sayang!

Eh kung ganun na ang resulta nito sa takilya, paano pa kaya ang isa pang local film na nagbukas. kasabay ng Ex Ex Lovers ang Paquil?

Alex, mas pinag-usapan

Number 1 pa rin ang Tamang Panahon na comedy special ni Alex Calleja sa Netflix.

Ang tanong: nakatulong kaya ‘yung isyu ng “carwash joke”  kaya ang daming na-curious dito?

Sasampolan nga ba ni Alex ng cyber libel si Chito Francisco ng Bubble Gang?

Abangers tayo diyan!

Nakakataquote:

“Focus kami sa work ngayon. We’re professional.”

– Maris Racal on Anthony Jennings

Show comments