Sharon, pinasikipan ang leeg

Sumailalim sa endoscopic lift to tighten her neck ang ating Megastar Sharon Cuneta. Ito ay isang minimally invasive Aivee procedure at nilinaw niya na ayaw niya namang magmukhang bagets kundi age appropriate lang!
In fairness kay Shawie, ang ganda ng kanyang weight loss at mas naging maaliwalas at maganda pa ang kanyang aura ngayon.
Kung ano man ang procedure na ginawa niya at nagwo-work at talagang she is proof na ang mga artista ay kailangan talagang maging ehemplo ng pagpapanatiling maayos hindi lang ang panlabas kundi ang panloob na sarili. With Sharon, Juday (Judy Ann Santos), Maricel Soriano, Charo Santos in Aivee, sino naman ang flag carrier ng Belo?
GMA exec, magreretiro na
Napabalita rin na patapos na pala ang tour of duty ni Ma’am Lilybeth Rasonable sa GMA 7 bilang Senior Vice President/ Head ng Entertainment TV at effective ang kanyang retirement ngayong March 1. 2025. Well-loved si Ma’am Lilybeth at sa ilalim ng kanyang pamumuno, nanatiling number 1 ang GMA sa ratings at revenues. Wala rin siyang bahid ng korapsyon at nananatiling nanay ang turing ng mga kasamahan sa trabaho.
Ang tanong, sino kaya ang papalit kay Ma’am Lilybeth. Wala pa namang naa-announce although marami ang nagsasabing ok ang next in line na si Miss Cheryl Ching-Sy; unless humanap pa sa labas ng GMA 7 ang current management nito.
Kayo, ano sa tingin n’yo?
Rayver, ‘di pa tumatatak na sikat na actor / dancer
Sa Family Feud guesting ni Kristoffer Martin, very telling ‘yung sagot niya sa sikat na aktor na magaling magsayaw na ang sagot na Rayver Cruz ay 1 point lang ang nakuha. Ang top answers ay sina Vhong Navarro at Rochelle Pangilinan.
Ibig bang sabihin, na kahit sansamakmak na ang shows sa GMA, hindi pa rin talaga ganu’n tumatatak si Rayver Cruz? Bakit?
Nakakataquote:
“You were wronged but not just by Pern. I think Philmar place a bigger role in that wrong, as a man.
“Because bilang isang lalaki, kung ako nasa sapatos niya at meron akong best friend na babae at sinabihan ako ng best friend ko na babae, ‘Magpa-tattoo tayo, ganito-ganito.’
“ E, hindi ko gagawin ‘yun out of respect to my wife, kahit may problema kami.
“Pambabastos na ‘yon sa asawa ko, ‘di ba? Pilipino tayo.
“And again, I stress, Pern realizes her mistake here.
“Even if it’s a cultural difference, she understands that she was wrong.
“And she wanted to talk, she messaged, she reached out [to Andi].
“She also messaged Philmar.
“Siya pa ‘yung nakiusap kay Philmar, ‘Please, you have to make a statement about this.’
“Imagine mo, your so-called best friend, siya pa, ‘yung babae pa ang nag-reach out sa ‘yo, Philmar, para gumawa ng statement.
“And ang sinabi mo, ‘I know.’ ‘Yun lang?”
- Derek Ramsay on the Andi Eigenmann at Philmar Alipayo issue. Ipinagtanggol ang kaibigang si Pernilla Sjoo
- Latest