^

PSN Showbiz

Anak ni Lea, he/him na ang gender identity!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Anak ni Lea, he/him na ang gender identity!
Nic Chien
STAR/ File

Ang sabi sa Theater Group Asia thread, “When the fun is done, he steals what he can and runs! Nic Chien is JACK! After making his professional debut in Atlantis Production’s Matilda, to joining and placing at the English Speaking Union’s National Shakespeare Competition, he is now set to embark Into the Woods! Catch Nic and the rest of the cast in a limited engagement run this August!”

Si Nic ang dating tinatawag na Nicole na anak nina Lea Salonga at Rob Chien. So Nic at he/him na ang kanyang gender indentity?

Well it is what it is, let’s spread love, kindness and understanding. Inclusi­vity ang tawag diyan.

Jowa ni Juan Karlos bagong Reina Hispanoamericana

Nagwagi ang singer-songwriter na si Dia Mate na representative natin sa Pilipinas bilang Reina Hispanoamericana 2025! Sabi nga, Dia reigned victorious during the pageant’s coronation night held in Bolivia kahapon.

Proud boyfriend naman si Juan Karlos na nag-post agad ng congratulatory message sa kanyang IG Stories.

So since pangalawang Reina Hispanoamericana title ito, hindi maiiwasang makumpara si Dia kay Winwyn Marquez na naunang nanalo ng title na ito. Ang tanong, ano ba ang halaga ng title na ito? Ano nga ba ang responsibilidad na kaakibat nito? Parang kailangan pang i explain, di ba?

At heto na nga, habang may bago nang Reina Hispanoamericana, heto naman si Winwyn Marquez , nasa puwede pa ako portion siya ng buhay niya and she is set to represent Muntinlupa in the Miss Universe Philippines 2025!

‘Yan na talaga ang practice ng inclusivity - kahit may anak na si Winwyn, never stop trying pa siya talaga, di ba?

What are the chances?

It’s anybody’s game! Good luck na lang Winwyn! Sana talaga win ka pa rin!

Cedric at Kate, may baby na?!

Maraming nagtatanong kung ang boyfriend ngayon ni Kate Alejandrino na si Cedric Juan ang ama diumano ng anak niya? Ano na ang nangyari kina Cedric at ang live in partner niyang si Karen Toyoshima? Daming tanong ng netizens!  Kebs naman natin, di ba? Consenting adults naman na ‘yan, at least sila walang leaked convo sa social media kaya hindi naging circus.

Nakakataquote:

“My labs, maraming salamat sa pagpa-pasensya sa kakulitan ko. Minsan akala ko teenagers pa tayo, pero minsan sinasadya ko na rin maging makulit kasi ang saya saya nung mga panahon ng Labs Kita Okey Ka Lang, na tila ang mga problems natin nun ay pano tatakas gumimik o minsan magagalit ka sa kin kasi di kita masyado pinapansin. Ang babaw pero ang saya ng problemang bata.

“I’m very very proud of what you’ve become, wife to Mark and mother to Pele & Vika. Grabe kayo mag-asawa, model kayo ng mabuting asawa at mabuting magulang. Walang perfect alam natin yan, pero kayo walang tigil maging matino at maayos na tao.

“Ang movie natin na Ex Ex Lover ay pangako ko sayo, masaya ako na natupad ko ito. At pati singing career mo, gusto ko mag concert ka ulit. Basta pag-uusapan namin ni Mark ‘yan,

yan ang next project namin para sayo.”

— Marvin Agustin to ka labtim Jolina Magdangal, stars of the movie Ex Ex Lovers

THEATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with