Celeb couple, hiwalay na rin!

Barbie Forteza at Jak Roberto

Pagkatapos mag-buena mano nina Barbie Forteza at Jak Roberto ng isyung hiwalayan sa taong 2025, nagkasunud-sunod na ang celebrities na naghihiwalay.

Hanggang kahapon ay trending pa rin sa X ang napipintong hiwalayan nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo at inaabangan ang latest posts nila sa Instagram.

Pero base sa mga cryptic post sa kanilang Instagram account, nakatutok sa isyu ng ahasan, dahil lang sa couple tattoo na “224.”

Ang latest na IG story na ipinost ni Andi Eigenmann ay sinabi niyang, “I should have called it out the first time me and my husband found it weird that she just gets a huge tattoo on her shin dedicated to him! He who is someone else’s husband!!”

Taon nga kaya ng hiwalayan ang 2025 na year of the wooden snake?

May mga nababalitaan pa kasi kaming kuwento ng hiwalayan, pero hindi pa puwedeng isulat sa ngayon dahil kakaiba namang relasyon ito.

Meron pa ngang nabalitaan din naming hiwalay na diumano ang kilalang celebrity couple, pero nahihiya pa kaming itanong kay misis.

Parehong abala sa kani-kanilang trabaho ang mag-asawang ito, kaya hindi na sila nakikitang magkasama sa mga ipino-post sa kanilang social media account.

Hindi pa kami makatiyempong kumpirmahin sa kanilang dalawa, dahil napakabait pa naman nilang mag-asawa.

Sana hindi lang totoo, o kung totoo man, sana maayos pa dahil napakabuti ng mag-asawang ito at tahimik lang naman sila sa kanilang pagsasama.

Martin nagpasilip sa entablado, Elora pinagod!  

Nagpasabog agad si Martin del Rosario sa preview ng stage play nilang Anino Sa Likod Ng Buwan na ginanap sa Arete ng Ateneo de Manila.

Kasama ni Martin dito sina Elora Espano at Ross Pesigan na magaling naman talaga sa entablado.

Naloka ang sangkabaklaan na nakapanood doon sa preview nang ibinaba nang bahagya ni Martin ang suot na brief at nasilip ang halos kalahati ng nasa loob nito.

“Ano lang… more on brief lang naman. Pero right at the moment, hindi ko naman nilabas e,” bulalas ni Martin.

“Depende sa mapi-feel mo at the moment e. Siguro, gusto ko to loosen up the tension. Kasi ‘yung first part talaga for me most challenging e. Sigu­ro ‘yun ‘yun isa sa makatulong na sige na, lahat na, iano na natin,” dagdag niyang pahayag.

First time ito ni Martin, kaya tinodo na raw niya, lalo na’t napaka-challenging ng role na ginampanan noon ni Luis Alandy sa pelikulang obra ni direk Jun Lana.

“E ako naman gawin ko nang first time, gawin mo nang todo-todo ‘di ba?

“Kasi, first project ganito kaganda? Sino ba naman… napakasuwerte ko na… dati pinag-iisipan ko, dina-doubt ko ‘yung sarili ko, gawin ko ba ‘to? Kaya ko ba ‘to? ‘Yun ‘yung mga tumatakbo sa utak ko, pero na-realize ko, kung hindi ko to tinanggap, pagsisihan ko ‘to bandang dulo. Kasi sobrang ganda ng role, ang ganda ng material, nandiyan na nakaharap na sa akin, may oras ako,” saad ni Martin.

Halatang pagod na pagod daw sila pagkatapos ng performance, at naloka sila sa sagot ni Elora nang tinanong kung ano ang naramdaman niya pagkatapos nilang ginawa ang naturang stage play. “Actually, parang...!” natawang sagot ni Elora.

“Nakakapagod pero masaya, kasi ‘yung pagod niya parang energized pa rin.

“So, ano… kasi ang sarap gawin lahat kasama ‘yung mga actors and everyone backstage, ayun!

“Kasi naintindihan namin ‘yung character. Siguro nagkaroon lang din kami ng parameters, before we do the rehearsals or the choreography of the intimate scenes and the torture scenes. Naalalay namin siya kung papano hindi masakit or too much or ‘yung alalay. So, everything is smooth-sailing naman po,” sabi pa ni Elora Espano.

Sa March na mapapanood itong Anino Sa Likod Ng Buwan na gaganapin sa PETA Theatre.

Show comments